KABANATA 17

507 35 0
                                    

"Aba hoy Zachary! Anong ginagawa mo r'yan sa bubungan?!" Sigaw ni Mimosa mula sa hardin ng mansyon. Nakita kasi nitong nakatambay ang alaga sa pinamataas na bubong.

"May hinihintay lang po akong tawag! Dito lang may malakas na signal."

"Ay sus! Mag-ingat ka ha?! Napakatarik pa naman n'yang inuupuan mo."

"Ok lang po ako yaya." Nakangiting sagot nito. "May lubid naman po akong makakapitan dito oh."

"O sige...pero bumaba ka na agad kapag nakausap mo na, ha? Nakahanda na ang miryenda mo sa kusina. Ginataang bilo-bilo."

Napatawa si Zach, "ikaw ang gumawa?"

"Hindi eh. Si Julia! Kaya pagpasensyahan mo na kung hindi masarap!"

Biglang nabilaukan sa sariling laway si Zach. Hindi nito kinaya ang napakataas na self-confidence ni Mimosa. "Sige po 'Ya!"

***

"Wow...ang sarap nito ah." Bulong ni Zach kay Julia habang magkatabi silang nagmimiryenda sa maliit na lamesa sa kusina. "Ano? Sasabihin mo na ba ang nangyar—"

Pabiglang siniko ni Julia si Zach. Nangusap rin ang mga mata nito habang parating si Ephraim mula sa labas. Nakuha naman agad ni Zach ang ibig sabihin ng dalaga kaya nanahimik naman ito hanggang sa nakaalis si Ephraim—matapos nitong maglagay ng mga bagong pitas na mga prutas at gulay sa ref.

"Ano na?" muling bulong ni Zach kay Julia.

"K-kailangan na nating umalis..." luminga-linga ito. "Delikado tayo rito."

"Pero bakit—"

Tinampal ni Julia ang braso ni Zach. "Wala nang maraming tanong. Basta kailangan na nating umalis! Saka ko na sasabihin sa 'yo kapag nasa biyahe na tayo pabalik. Kumusta ba ang naging usapan n'yo ni ng kausap mo?"

"Good news. Pumayag daw 'yung bangko na pahiramin siya ng ganun kalaki. I don't know how. They must have an excellent credit rating. Nagpa-draft na daw s'ya ng Manager's check for twenty-five Million pesos na pwede ko nang daanan bukas kaharap ang abugado n'ya. Then, ipapa-wire na lang daw n'ya ang fifty, once na mai-release na ng bangko ang hiniram n'yang pera. Tapos, once makumpleto ang seventy-five, ipadadala ko na lang through an overnight courier."

"Hay...mabuti naman at madali lang palang kausap 'yung kanegosasyon mo. So, p'ano? Pwede na tayong umuwi bukas? Daanan na lang natin 'yung check on the way?"

Napabuntong-hininga si Zach. "Maganda nga sana kung makaalis na tayo bukas ng umaga. Kaso...si Tito Lando."

"O bakit? Anong problema sa kanya?"

"Hinihingi na agad 'yung pursyento n'ya. Ang gusto pa eh cash. Saan naman ako hahagilap ng instant three million and seven hundred fifty thousand cash sa lugar na 'to? Diskumpyado pa ako kasi ang gusto n'ya ilihim ko sa asawa n'ya ang tungkol sa kumisyon n'ya."

"Three million seven fifty? Kumisyon lang?"

"Oo. 'Yun kasi ang five percent."

"Grabe naman. Mukha naman palang pera ang—ops. I'm sorry. I don't mean to—"

"Don't worry. I actually feel the same way."

"So, anong gagawin mo?"

Huminga muli ito nang malalim, "kailangan ko munang makahanap ng branch ng bangko sa bayan kasama s'ya para maka-withdraw ako ng ganung kalaking halaga."

Copyright 2018 ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"Ano ba 'yan para namang hino-hold-up ka. Hindi mo pa nga natatanggap ang pera 'di ba?"

"I know...my thoughts exactly."

"You know what? Wag kang pumayag."

"Ha?"

"Ang sabi ko, huwag kang pumayag!"

"Paanong—"

"Ang kadugo mo talaga, 'yung asawa n'ya. Bakit sa kanya mo ibibigay ang pera? Mamaya n'yan balak na pala n'yang iwanan 'yung asawa n'ya tapos paano na ngayon ang Tita mo kung kailangan na rin nilang umalis sa property na 'to? Kung ako sa 'yo, kakausapin ko muna si Tita Euphemia. Sasamahan pa kita kung gusto mo."

Napangiti si Zach, "what will I do without you, huh?"

Napatawa naman si Julia, "ano nga ba?" kinindatan nito si Zach.

Tila kinilig naman ang binata. "Matapos ko lang 'tong mga problema ko, liligawan kita."

Muling tinampal ni Julia ang braso ni Zach. "Baliw. 'Wag ka ngang nagbibiro ng ganyan."

"Bakit? Sino bang nagsabi na nagbibiro ako?"

***

Hinang-hina at halos hindi makabagon si Euphemia bago nito hinarap si Zach at Julia.

"Ilang araw na po ba kayong may sakit?" tanong ni Zach dito, "baka kailangan n'yo na pong madala sa Ospital."

Napapatingin si Julia sa kaliwang pulso ito na tila may dalawang malaking sugat.

"Gusto ko nga sana." Pupungas-pungas na sagot nito, "pero parati namang wala si Lando dala ang sasakyan. Hindi naman 'yun laging nakakauwi rito kapag nagrarasyon ng mga gulay at prutas sa mga bayan-bayan. Wala naman kaming ibang sasakyan kundi 'yun."

"Bakit hindi niyo po sinabi sa 'kin?" sagot ni Zach, "may sasakyan po kami na pwede nating gamitin."

"Hala. Nakakahiya naman kasi sa inyo. Bisita kayo rito tapos aabalahin ko pa kayo."

"Eh ano po ba ang nararamdaman n'yo?" tanong ni Julia. "At napa'no po 'yung wrist n'yo?"

"Ewan ko ba. Bigla na lang akong nanghina nitong nakakaraang araw. Heto?" tiningnan nito ang sugat sa pulso, "hindi ko rin alam kung paano ko nakuha 'to. Basta nagising na lang ako isang umaga na parang may kumagat sa akin. Pagkatapos nga no'n, naging masasaktin na ako."

"Hindi po kaya may infection po kayo dahil sa sugat na 'yan?" ani Zach.

"Siguro nga."

"Dadalhin ka na namin sa Ospital sa bayan ngayon. Kahit ako na mismo ang magmaneho."

"Naku Zach, anong oras na ba? Papagabi na bukas na lang ng umaga siguro." napatingin ito kay Julia nang napansin nitong may ibinulong ito kay Zach.

"Ganito na lang Tita." Ani Zach. "Ang suggestion ni Julia, doon na kayo magpalipas ng gabi sa malaking bahay, para makabiyahe tayo ng maaga bukas. Kaya naman po sigurong mag-isa ni Ephraim dito."

"Ha? E-eh..."

"Sige na Tita."

"O siya ay sige na nga sandali lang. Mag-iimpake lang ako ng ilang damit kung sakali mang ma-comfine."

Nakahinga nang maluwag si Zach. "Salamat, Tita."

"Naku. Ano ka ba? Dapat nga ako ang magpasalamat dahil naaabala pa kita. Ewan ko ba naman kasi rito kay Lando. Tila wala nang pakialam sa 'kin."

Nagkatinginan si Zach at Julia.

"Kung minsan nga,"pagpapatuloy ni Euphemia, "naiisip ko na may inuuwian na itong iba."

Hindi sinasadyang napaubo naman si Julia bago tumikhim at sumulyap kay Zach.

[ITUTULOY]

MHST 2:  TagosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon