KABANATA 10

560 28 1
                                    

"Bakit mo naman ibebenta ang lupain n'yo?" nakatanaw si Lando at Zach sa napakalinaw na ilog na nasasakupan ng kanilang lupain. "Daang taon na itong pag-aari ng angkan. Ibinuwis ng mga ninuno natin ang buhay nila para rito, hindi ka man lang ba nagtataka kung bakit?"

"Alam n'yo po, napag-utusan lang talaga ako eh. Technically, si Mama talaga ang nakalagay sa titulo na isa sa nagmamay-ari ng lupa. Binigyan lang n'ya ako ng authorization to sell. Ang bilin n'ya, hanapin ko raw ang kaparte n'ya sa lupa, para kung interesado ito, sa kanya na lang namin ibebenta ang bahagi namin. Kilala n'yo po ba itong si Benito Alejandro? 'Yun po kasi ang pangalan na nakasaad sa titulo."

"Matagal nang patay ang hinahanap mo. Pero kung gusto mong malaman kung kanino n'ya naiwan ang mga ari-arian n'ya kasama na ang bahagi n'ya sa lupaing ito, pasasamahan kita kay Euphemia kapag bumuti na ang pakiramdam n'ya. Tulad n'yo, malayong kamag-anak kasi n'ya ang mga 'yun. Kung ok lang sa'yo, palipasin na muna natin ang linggong ito. Busy kasi lahat dito kapag ganitong kapistahan. Pero para hindi naman masayang ang oras mo, sasamahan na lang muna kita sa bayan para mapa-appraise na natin ang parte n'yo, at nang sa gayun, ma-settle mo rin muna ang mga hindi nababayarang buwis. Tamang-tama na kapag ayos na ang lahat ng mga 'yun, mapupuntahan na natin 'yung pakay mo para may mai-prisinta ka nang halaga. Hindi rin naman kasi biro ang laki ng lupaing ito. Natitiyak kong milyon-milyon ang halaga nito. Ang advice ko lang lang sa 'yo. 'Wag kang magse-settle sa murang halaga para lang mabenta mo agad."

"'Yun rin nga po ang inaalala ko. May maka-afford po kaya rito?"

Tinapik ni Lando ang balikat ni Zach, "alam mo hijo. Wag kang padadaya sa hitsura ng mga tao rito. Dito sa bahaging ito ng Pilipinas, 'yung mga kontodo postura, 'yun talaga ang mga walang pera. Dito, kung sino ang tila sako lang ang isinusuot na damit sa araw-araw, 'yun ang mga tunay na milyunaryo. Wag kang mag-alala, tutulungan kitang humanap ng buyer, basta ba....alam mo na." ngumisi ito sa binata.

Nakuha naman agad ito ni Zach. "Ah, don't worry po, s'yempre po may commission kayo."

Lumaki ang ngiti ni Lando, "ayan...madali ka naman palang kausap eh. Basta sa 'kin mo idederetso ha? Wag kay Euphemia. Kuripot 'yun eh. Kataasan n'yan, barya-barya lang ang iaabot no'n sa 'kin kahit ako ang nagtatrabaho."

"Umh..." nang medyo naamoy ni Zach ang pagkasuwapang ng kausap. "Let's cross the bridge when we get there na lang po siguro. We're not even sure yet if we can sell this right away."

Inakbayan ni Lando si Zach, "ikaw naman. 'Wag mo akong masyadong ini-English. Medyo mahina ako sa English eh."

Copyright 2018 ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"O-opo. Sige po."

***

"O, bakit ganyan ang hitsura mo?"

Sumandok si Julia mula sa sabaw ng niluluto nito upang tikman. Sumusulyap-sulyap ito kay Zach na bigla na lang humiga sa mahabang bangkong nasa isang gilid ng kusina.

"Kagagaling lang namin sa mismong property at sa Municipal office. Ang init sa labas and I did not expect na ganun pala kahirap maglakad ng mga papeles. I have no idea why I'm doing this, but I'm pretty sure I'm not that smart when I agreed to do this for my family."

"Kumain ka muna, gutom lang 'yan." Nagsimula ng maghayin ni Julia.

Napabangon sa kinahihigaang bangko si Zach, "tayo lang? Where are the others?"

"Si Chari, naliligo lang. 'Yung tatlo, baka mamaya pa dumating ang mga 'yun. Nagyaya kasi si Ephraim na ipapasyal 'yung tatlo sa taniman nila at baka doon na raw sila mananghalian."

"Bakit hindi kayo sumama?"

"Si Chari, masama raw ang pakiramdam. Kahapon pa nga 'yun ganyan kaya hindi rin sumamang mamalengke sa bayan. Ewan ko do'n, biglang-bigla na lang tumamlay."

"Eh ikaw?"

"Tinanghali ako ng gising." Natatawa ito. "Paalis na sila nung magising ako."

"Tsss...senyorita kasi." Bulong ni Zach.

"Anong sabi mo?"

"Wala. Ang sabi ko, maganda ka kasi."

Napabungisngis si Julia bago nito pinitik ang tenga ni Zach.

"Aww! What the heck is that for?" hinahaplos ni Zach ang tenga n'ya.

"Alam ko 'yang ginagawa mo. Huli na kita uy kaya itigil mo na 'yan."

Sumimangot si Zach, "huli mo na ang alin?"

"'Yang pambobola mo para kiligin ako sa 'yo at nang sa gayon, pagsisihan ko ang pagpapa-bet ko sa 'yo!"

Pasikretong ngunisi si Zach, "'di ah. Ikaw lang ang nag-iisip n'yan. I'm too busy and preoccupied with more relevant stuff, and what are your talking about? Tsss...at saka, what can I get from that, huh?! Mapakilig ka? Eh ano namang big deal kung kiligin ka? It's not like you're a dream girl material to vie for." Zach honestly intended that as a joke.

Na-offend man si Julia, she still managed to fake a smile, "why? Ano ba ang dream girl material para sa isang Zachary Lopez?"

"'Yung maganda, mabait, maalaga, masarap kausap, masarap kasama, 'yung mahal na mahal ko at mahal na mahal din ako, 'yung tipo bang I can't get enough of her that I want to be with her all the time, 'yung hindi nakakasawang kasama kaya hinding-hindi ko ipagpapalit...'yung ganun." Nagtungo na ito sa lamesa para kumuha ng plato at mga kubyertos.

Nabawasan ang ngiti ni Julia pero pinilit pa rin naman nitong ngumiti, "so, you don't think I can be any of those? Kahit isa lang?"

"If you're my type, maybe...but you're not so, I doubt it." nag-umpisa nang sumandok ng kanin at ulam si Zach. Hindi ito nakatingin kay Julia kaya hindi rin nito napansin ang tuluyang pagkupas ng ngiti ng dalaga.

"I see." Umupo na rin ito at sumandok ng sariling pagkain. "Good for you, then..." sinulyapan nito ang mga unang pagsubo ng Zach ng pagkain.

"Yup." Zach seem very casual about it, "look at me, I'm a twenty-nine-year-old bachelor for a reason."

"And what could that reason be?"

"I do not settle for anything less."

"Oh." Nakaramdam ng tila isang matalim na bagay sa dibdib si Julia. She already heard that before...from Mico—her ex, the very evening he dumped her —"I'm sorry, Jules." Naaalala n'yang sinabi nito. "I just don't want to settle for anything less anymore. I tried but I don't feel the same anymore. It's over. Ayoko na. Maghiwalay na lang tayo."

"Yup. I am kind or picky." Narinig n'yang sabi ni Zach nang magbalik na ang isipan n'ya sa realidad ng kasalukuyan.

Nakatitig naman si Julia sa mahabang laslas na nakakubli sa makapal na bracelet n'ya sa kaliwang pupulsuhan.

The night Jules broke up with her, was the night she got that scar. She can still clearly recall how she almost bled to death as she was rushed to the hospital; with a broken heart and and a vanishing self-esteem.

"Of course, Mr. Zachary Lopez." Pilit ikinukubli ang sakit na nararamdaman. "You deserve the best girls in town. Nagbibiro lang naman ako. I'm sorry if I got into your nerves. It will not happen again." Yumuko ito at nag-umpisa nang kumain.

Napansin din naman agad ni Zach ang pananahimik ni Julia matapos 'yun. "Hey, are you ok?"

"Yup." Sumulyap ito saglit kay Zach pero nag-focus din naman itong muli sa pagkain n'ya. "And you?"

"This sinigang is pure awesome. I love it."

Ngumiti nang matipid si Julia. "Good. It's nice to know." Pero muli rin itong yumuko at nanahimik.

"Thanks for cooking." Para basagin ang katahimikan. Umaasang titingin man lang muli sa kanya si Julia.

"You're welcome." Pero nanatili itong nakayuko.

[ITUTULOY]

MHST 2:  TagosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon