KABANATA 5

659 41 3
                                    

"Ang creepy naman n'yan." Napapanganga sa mga nakasabit na kabaong. Mahigit sa anim na oras din ang binyahe nila mula Rosales, pero mas minabuti ng grupo na tingnan na muna ang mga Hanging Coffins sa Echo Valley, bago sila mananghalian. "Bakit po ba kailangang isabit pa? Lahat po ba ng taga-rito, d'yan inililibing?"

"Ang pagkakaalam ko," pagsagot ni Ambo, "hindi raw lahat p'wedeng ilibing d'yan. Ang tradisyon ng mga Igorot, kailangan daw kasal ka o may asawa at may mga apo na."

Sumimangot si Charisma, "ganun? So paano kung bata ka pa?"

Natatawa si Willy, "ba't parang dismayadong-dismayado ka? Pangarap mo bang malibing d'yan?"

"Hindi naman sa ganun, kuya." Ani Charisma, "curious lang ako kung bakit ganun ang tradisyon? At saka, bakit kailangang isabit? Anong purpose?"

"Para mas malapit daw sa langit." Sagot ni Willy, "at para hindi raw galawin ng mga tao at mga hayup."

"Bakit? Ganun din naman kapag nakalibing sa ilalim ng lupa, 'di ba? At saka, ang umaakyat sa langit 'yung kaluluwa lang, bakit kailangan pang isabit ang katawan? Eh patay na 'yun 'di ba?"

"Actually, since the spread of Christianity in this area," ani Zach, most of them are buried the western style na. Mga native na lang ang naglilibing ng ganito."

"Ah... pero, meron din po ba silang celebration ng araw ng mga patay?"

"As far as I know, yes," sagot ni Zach sa dalagita, "They call it Panag-Apoy, also celebrated on the first of November."

Napatango ang lahat. Nakapako ang tingin nila kay Zach.

"Naisip ko lang." Muling tinanaw ni Willy ang mga kabaong, "totoo nga kayang may kabilang buhay."

"Katoliko ka, 'di ba?" tanong rito ni Mimosa. "Ang sabi sa paniniwalang Katoliko, merong kabilang buhay. Kapag namatay ang isang tao, tatlo ang p'wedeng puntahan ng kaluluwa. Langit, Impiyerno at Purgatoryo."

"Purgatoryo ba kamo?" nakangiwing reaksyon ni Ambo, "pasensya na, Kristyano ako kaya hindi ako naniniwalang may Purgatoryo. Sa Bibliya, dalawang lugar lang ang nakalagay. Ang langit at impiyerno. Sa paniniwalang Kristiyano, kapag namatay ang tao, bumabalik sa Diyos ang kaluluwa hanggang sa araw ng pagbangon ng mga patay, kung kailan, ang bawat kaluluwa'y mabibigyan ng panibagong pisikal na katawan, bago pumunta sa langit o impiyerno."

Nanlaki ang mga mata ni Charisma, "pagbangon ng mga patay?! Pa'no? Parang Zombie?"

"Hindi." Sagot ni Ambo,"kapag binuhay na ng Diyos ang lahat ng mga namatay na, bibigyan muna n'ya ang lahat ng tao ng katawang walang kasiraan (1), bago tayo dadalahin ng mga angel alinman sa langit o impiyerno."

Copyright 2018 ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"Teka, nasaan naman ang logic do'n?" pagsingit ni Willy, "bakit bibigyan pa ng bagong katawan ang mga pupunta sa impiyerno?"

"Para maramdaman pa rin ng masasama ang sakit nang nasusunog nang buhay sa dagat-dagatang apoy." Sagot nito, "tulad din nang, para mas maramdaman ng mga taong mapupunta sa langit, ang walang hanggang ginhawa."

Ngumuso si Charisma, "ang sabi ng Mama ko, kaluluwa lang daw ang pupunta sa langit, impiyerno at purgatoryo. At saka sabi n'ya, kapag namatay na ang tao, huhushagan na agad kung saan ito pupunta. Hindi na raw maghihintay pa ng araw ng paghuhukom."

"Isa na ang paksang 'yan sa pagkakaiba ng paniniwala ng mga Katoliko at ng mga Protestante." Sagot ni Ambo, "pero, alinman ang talagang totoo, may isang magkapareho."

"At ano naman?" tanong ni Mimosa.

"Mayro'ng kabilang buhay na walang hanggan."

***

"Ang sarap naman nito." Halos mabulunan si Willy sa malalaking subo nito ng Lemon pie. Magkakasama silang kumakain nina Ambo, Charisma at Mimosa sa iisang parihabang lamesa sa loob ng Lemon Pie House; nakabukod naman si Zach sa ibang lamesa. Naghihintay sa kakatagpuin.

"Mas masarap 'to." Malalaki rin ang naging pagsubo ni Ambo, "egg pie."

"Ibang klase rin kayong dalawa." Napapangiwing wika ni Mimosa sa mga lalaki. "Inuna n'yo talaga ang desert."

"Walang basagan ng trip, ate Mimosa." Natatawang sagot ni Willy. Nilalantakan na nito ang ikalawang lemon pie. "Makapaghihintay ang chicken adobo." Inginunguso nito ang plato ng kanin at chicken adobo nasa harapan n'ya. "Pero itong pie, it's now or never." Humalakhak ito.

"Ano ba 'yang katagpo ni Senyorito, ate Mimosa." Ani Charisma. Nakatanaw ito kay Zach na matiyaga pa ring naghihintay sa kabilang lamesa, "Hindi yata professional kausap. Kalahating oras na tayo rito ah."

"Baka naman namamasyal pa." Sagot ni Ambo.

"Namamasyal?" pagmamaktol ng dalagita, "s'ya itong nagpapunta rito kay Senyorito tapos s'ya pa ang may ganang ma-late? Sino ba 'yon? Kasosyo ba talaga, o pabebe lang?!"

"Ang sabi n'ya sa 'kin kanina," ani Willy, "kasosyo nga raw n'ya do'n sa bagong negosyo na itinatayo n'ya. Pero bukod do'n, may ipakilala raw itong tao na maaari tayong samahan sa San Ildefonso."

"Eh 'yun naman pala eh..." sagot ni Charisma, "may makakasama naman pala kayo ro'n. Bakit isinama n'yo pa ako rito?" naghalukipkip ito.

"Hindi pa kasi sigurado 'yun." Ani Willy, "pakikiusapan muna raw kasi nung kasosyo ni Senyorito, kung sino man 'yun. Kung pumayag, eh 'di kasama natin. Kung hindi, eh 'di ikaw pa rin ang tourist guide namin." Nakatingin ito kay Charisma.

"Kainis naman! Ayoko na kasi talagang bumali—"

Sabay-sabay silang napatulala sa pagpasok ng isang isang mestisahing babae na may mahaba at alon-along buhok. Nakasuot ito ng itim na sleeveless flare dress na hanggang itaas lang ng tuhod ang haba. Nakasuot din ito ng maitim na sun glasses na bumagay naman sa elegante nitong pagdadala sa sarili. Sinundan nila ito nang paningin hanggang sa makalapit ito sa kinaroroonan nila.

Tulad nila, tila natulala rin muna si Zach nang makita ito. But being a perfect gentleman that he is, agad din n'yang ginising ang sarili, thinking that it's not really nice to stare at anyone. Tumayo ang binata, "hi!" iniabot nito ang kanang kamay, "I'm Zach, and you are?"

"Adella." Kinamayan naman nito si Zachary.

"Ahm." Animo'y napaso ang binata nang maglapat ang kanilang mga palad. Maingat na pinaupo nito si Adella. Hindi naman ito kalayuan sa kinaroroonan nina Mimosa kaya naririnig pa rin ng mga ito ang usapan nito at ni Zach. "Would you like a drink, pies—"

"Nope. But thanks for asking. By the way, sorry I'm late. I have no other excuse other than...I lost track of time. Pasensya na rin kung ako lang, hindi ko kasi makumbinsi 'yung kinausap namin ni Papa. Apparently, she had a very bad experience in San Ildefonso at ayaw na n'yang balikan 'yung lugar. And lastly, I'm sorry rin kung ako lang ang ipinadala ni Papa rito. He had a very bad fall in the bathroom this morning, Hindi pa s'ya makalakad kaya ako muna ang ipinadala n'ya, if you don't mind."

Nagkibit-balikat si Zach, "Sure. No prob. Basta ba you've been briefed about what we are supposed to discuss today."

"Oo nam—"

May biglang pumasok na bago. Napalingon muli ang ang lahat dito; pati na si Adella. Nakasuot lang ito ng pantalon at puting t-shirt. Naka-bun ang buhok, may bitbit itong bag pack at nakasuot ng dark sun glasses na may puting frame. Hawigin ito ni Adella bagaman mukhang mas bata.

"Julia?!" Ani Adella sa bagong dating; "akala ko ba ayaw mo?" habang lumalapit ito sa kanilang lamesa, "nasabi ko na nga rito kay Zach na—"

"I changed my mind."

***

Footnote:

(1) 1 Corinthians 15:35-38

[ITUTULOY]

MHST 2:  TagosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon