Chapter: 01

8 0 0
                                    

ARIA'S POINT OF VIEW

Ginulo ni Nathan ang buhok ko habang nakangiti. Hindi ko tuloy maiwasang mapasimangot sa ginawa niya.

“Ano ba! Ba't ginugulo mo 'yung buhok ko?!” nakasimangot na tanong ko sa kanya.

“Wala ang cute mo kasi hahaha!”

I rolled my eyes at him. “Utot mo. Tigilan mo 'ko sa mga trip mo, Nathan. Baka makatikim ka netong kamao ko.”

Patingin nga ng mga kamao mo...” hinawakan niya pa ang dalawang kamay ko at tinignan kunwari ang mga ito. “Ang cute naman ng mga kamao na'to parang bola lang ng jackstone eh.” pang-aasar niya pa at hinila ko ang mga kamay ko para batukan siya. “Hahaha! Joke lang pandak!”

“Nasaan na ba kasi si Jiya?” tanong ko pa habang tinitignan ang paligid ko.

Si Nathan at Jiya ang mga kaibigan ko. By the way, I'm Aria Roxianna Guzman. But you can call me Aria. Both of them were my highschool classmates at hindi ko akalain na kahit SHS na kaming tatlo ay magkaklase pa rin kami. Yes, you read it right. We took the same strand and luckily we're all classmates.

“Heto na pala siya oh.” nguso ni Nathan sa bandang likod ko. Tinignan ko naman iyon at nakita nga si Jiya pero hindi ko inaasahan na may kasama siyang iba.

Si Ram.

“Hahahaha! Iyon na nga eh, di bale babawi tayo next time.” narinig ko pang sabi ni Jiya.

Nung makalapit sila sa pwesto namin ay napatingin si Ram sa akin. He smiled. “Hi.”

Tipid akong ngumiti sa kanya. “Hi."

“Ge, maiwan na namin kayo.” sabi ni Jiya tas inakbayan pa si Nathan. She winked at me. “Enjoy.”

Tinignan ko si Nathan na seryosong nakatingin lang sa akin pero kalaunan ay umalis na rin silang dalawa ni Jiya.

Napabuntong-hininga naman ako saka ibinaling ang tingin kay Ram. “May gagawin ka pa ba mamaya?”

“Wala na. May pupuntahan ba tayo?”

“Oo sana.”

Napangiti ako kasi ang cute niya tuwing kinakamot niya ang buhok niya. Ganyan siya kapag nahihiya.

“Sige lang basta kasama kita...” nakangiting sabi ko at ngumiti naman siya.

Sabay kaming dalawang naglakad pababa ng hagdan. Hindi ko pa pala naitatanong sa kanya kung saan kami pupunta. Nahihiya akong tanungin rin siya.

His name is Ramgi Jiro. I call him Ram for short and he's my suitor. He's been courting me for like five months na siguro. Hindi ko nga akalain na sa gwapong tulad niya ay mapapansin ang isang 'nerd' na katulad ko. I mean, hindi naman talaga ako nerd. Wala akong suot na sobrang kapal na salamin sa mata o kahit braces sa ngipin. Ganun kasi ang nababasa ko sa libro. Wala akong ganun, masasabi ko lang na nerd ako kasi hindi ko naman kino-consider ang sarili ko na sobrang sikat sa school. Siguro normal na estudyante lang ganun. Yung hindi sikat tapos hindi rin nakikisawsaw sa gulo ng iba.

“Aria...” napatingin ako sa kanya nung marinig ko na tinawag niya ang pangalan ko. “Are you okay?”

“Oo naman, bakit?"

Tulala ka lang kasi. Iniisip ko tuloy kung anong laman ng utak mo ngayon.”

“Wala. Iniisip ko lang kung bakit sa dami-daming chix dito sa school ako pa talaga ang napansin mo.”

Beauty of Chaos Where stories live. Discover now