PRESTON'S POV
While we're still on our way to Dalaguete, sobrang ingay nina Tim, Al at Jake. Sumasabat rin ako sa kanila paminsan-minsan kung ako ang pinag-uusapan pero hindi iyon ang nakakuha ng pansin ko, itong babae na katabi ko at sobrang tahimik na akala mo siya lang ang mag-isa sa loob ng kotse.
"Yung nakakainis pa harap-harapan niya pa akong niloko nun! Alam mo ba nakita ko siyang kinausap 'yung gunggong na Laurence na 'yun tapos ending kabit pala ang gago!" kinekwento ni Tim ang nangyari sa kanya tungkol sa ex niya na may ibang lalaki.
"Ganun naman talaga ang buhay, Tim. Hindi mo naman kasi hawak ang puso ng isang tao. Kahit pa alam mong mas may karapatan ka sa kanya hindi mo pa rin siya mapipigilan na magkagusto sa iba." seryosong sabi ni Jake.
"Kahit na sobrang tagal na namin??"
"Oo, kahit pa umabot na kayo sa punto na kulang nalang ay ang singsing sa inyong dalawa. Hindi mo doon mapipigilan ang isang bagay na hindi mo kontrolado." singit ni Alexander.
"Kaya nga mas gusto ko nalang muna na mag-enjoy kasi pag nagmukmok lang ako maiisip ko lang palagi kung bakit nagkaganun kami." Napansin ko na napalingon si Roxianna sa amin.
"Nagkausap naman ba kayo kung bakit nagawa niya 'yon?" tanong ni Al habang ang paningin ay nasa kalsada.
"Oo, tinanong ko siya kung bakit 'yung mga bagay na pinagseselosan ko ay hindi niya kayang iwasan. Bakit kailangan ko pa siyang pagsabihan na iwasan ang mga bagay na alam niyang masasaktan ako." seryosong sabi ni Tim. Hindi ko man nakikita ang reaksyon ng mukha niya pero nararamdaman ko ang emosyon sa boses niya. "Mahal ko 'yon e. Lahat ng bagay na alam kong ayaw niya iniwasan ko 'yun dahil ayaw kong isipin niyang naglalaro lang kami sa relasyon namin. Hindi na kami bata e, pero bakit napakahirap para sa kanyang bigyan ako ng kapayapaan sa utak?"
"Kasi hindi ka niya mahal." natigilan ako nung biglang sumagot si Roxianna. Napatingin naman ako sa kanya. Pati si Jake at napatingin rin sa kanya. "There are things that we're willing to do for someone just to give them peace of mind, but they can't reciprocate it." she added. "If you were willing to give up the things that you love to do because of her, that's what you called respect. But the case is, she can't do the same thing to you even in a small effort, and that's what you called being insensitive." Napabuntong-hininga pa si Roxianna. "Kasi ang tao na totoong may respeto at may nararamdaman sa'yo, hindi mo na kailangan pa na ipaalam sa kanya ang mga bagay na magiging big deal sa'yo dahil siya na mismo ang gagawa ng bagay para iwasan 'yon."
"She's right." sang-ayon ko. "Kung mahal ka ng girlfriend mo, hindi na niya hihintayin sa puntong ikaw pa mismo ang magsasabing nagseselos ka. May mga tao rin naman na sasabihin mong nagseselos ka sa ganun o ganyan, pero gagawa sila ng paraan na iwasan nila ang bagay na iyon kasi mahal ka nila at ayaw na nilang mangyari ulit ang bagay na alam nilang masasaktan ka. Pero sa ganyang sitwasyon mo na ilang beses mo ng pinaalala sa kanyang nagseselos ka sa Laurence na iyon pero wala ka pa rin nakikitang pagbabago, it's either she's insensitive or selfish."
Natahimik sila sa sinabi ko.
"Communication is the best way to understand and address the situation. Kasi pre, magiging healthy ang relationship ninyong dalawa kung pareho kayong nagbibigay at nakakatanggap ng pagmamahal sa isa't-isa. That's one of the best foundations you will receive to strengthen the relationship that you have." dagdag ko pa.
YOU ARE READING
Beauty of Chaos
Non-FictionI thought life would be this easy and full of happiness. I thought our world only revolved around vices, alcohol, and sex. But everything is an illusion; with every step that you take, there's always a challenge, and you only have two choices: to co...