After nung pag-uusap namin ni Jiya ay nagpunta ako sa kabilang side ng yate at doon mas lalong pinagmamasdan ang papalubog na araw. "Ang gandaaaaaa..." Namamanghang saad ko habang nakatingin sa sunset.
*Click!
Napatingin ako kay Nathan matapos marinig ang tunog ng camera na hawak niya. "Pini-picturan mo ba ako?"
"Oo, ipo-post ko 'to sa instagram ko.." saad niya. Tinignan ko naman ang picture na kuha niya. Nakatagilid ako habang nakatingin sa sunset na may ngiting nakaukit sa mga mata ko. "Tapos ang caption ay 'she was looking at the thing that was beautiful in her eyes. What she didn't know was that she was only referring to herself.'" Sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. Biglang kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya.
'I-Ito na ba ang sinasabi ni Jiya sa akin?'
"I know you don't see your own beauty because you keep denying that, but don't worry; only the camera and my eyes can see the beauty you deny."
Wtf? Hindi ako nakasagot sa kanya dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Tinulungan ako ni Nanay na makababa ng yate. Actually si Nathan talaga 'yung nag offer ng tulong sa akin pero sinabi ko na mas kailangan ng tulong ni Jiya.
Pero nawala bigla ang laman ng utak ko at napahanga sa ganda ng lugar dahil ngayon lang ako nakapunta sa isang isla. Mabuhangin ang isla at sobrang ganda ng paligid. Hindi ko maiwasang mamangha sa buong lugar. Nakita ko si Shaina at Aldrin na kumakaway sa amin. Nagtatakbo sila papunta sa direksyon namin at nung makalapit ay niyakap kaagad ako ni Shaina. "Happy birthday, Aria! It's been a long time since the last time I saw you! Wala pa ring kupas ang ganda mo ah.”
"Thank you, Shaina." Nakangiting saad ko sa kanya.
“Hi, Jiya. It's so good to see you again.” nginitian siya ni Jiya at nag beso-beso sila.
“You too.” sagot ni Jiya.
"Happy birthday, Aria." Saad ni Aldrin sa akin.
“Thank you.”
"Tara na hinihintay na nila kayo. May cottage doon." Saad ni Shaina at sabay-sabay kaming nagtungo sa cottage na sinasabi nila.
Nakasunod lang si Nathan sa amin habang may ngiting nakaukit sa labi niya. Si Nanay naman ay nakikipagkwentuhan kay Jiya.
Nagtungo kaagad kami sa cottage na ginawa ng mga kasamahan namin at hindi ko maiwasang mamangha matapos makita ang sobra-sobrang effort na ginawa nila. Nandoon rin pala si John at Riley.
Pagkalapit namin ay binati rin nila ako. Puro naman pasalamat ang ginagawa ko.
The cottage was colorful due to the LED lights that surrounded by it. May mga round tables sa labas ng cottage habang tinatakpan ito ng mga tela na kulay lavender. Everything was so perfect in my eyes. May mga lilac sa gilid na siyang nakakapagdagdag ng ganda sa lugar. May mga balloons din na kulay lavender at black.
Lumabas sa cottage sina Riley at Nathan na may dalang cake. Nilapitan nila akong dalawa habang nakangiti. Sinindihan ni Jiya ang kandila sa ibabaw ng cake ko. Magsasalita pa sana ako nung bigla silang kumanta ng Happy Birthday Song.
"HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY TO YOU!!!" Sabay na kanta nila. Napatingin ako sa taong katabi ko at nakita si Nanay na nakatingin sa akin habang may ngiti sa mga labi niya pero nangingilid ang luha sa mga mata niya. "HAPPY BIRTHDAY ARIA!" Dagdag na sabat nila.
YOU ARE READING
Beauty of Chaos
Non-FictionI thought life would be this easy and full of happiness. I thought our world only revolved around vices, alcohol, and sex. But everything is an illusion; with every step that you take, there's always a challenge, and you only have two choices: to co...