Kinabukasan nun maaga akong nagising dahil maaga ang pasok ko. Tinignan ko pa muna ang selpon ko kung may text or chats ba si Ram pero maski isa wala.
Gaano ba siya ka busy para hindi man lang magparamdam? Hays.
Nagmadali kong tinapos ang daily routine ko saka nagpaalam kay Nanay Lyn na papasok na ako.
“Mag-iingat ka!” sabi niya pa at tumango naman ako sabay sakay sa tricycle.
Ilang saglit pa ay nakarating na rin ako sa eskwelahan at nag bayad sa driver. Pumasok na ako sa gate pagkatapos kung ipakita sa guard ang ID ko. Ganun kasi sa school namin. Kailangan pa munang ipakita ang ID bago ka makapasok sa loob.
Pagkarating ko sa campus kapansin-pansin ang bulong-bulungan ng mga estudyante pero gaya ng nakasanayan ay hindi ko na sila pinapansin. Hindi rin kasi ako sigurado kung tungkol ba sa akin ang pinag-chichismisan nila o hindi. Pero isa lang ang alam ko, wala akong pakialam.
Nakarating na ako sa classroom at nandoon na pala sina Nathan saka Jiya. Napansin naman nila ako at lumapit ako sa kanila kaagad. 'Yung armchair ko kasi ay katabi lang kay Nathan.
“What happened last night nung kasama mo si Ram?” kaagad na tanong niya nung makaupo ako.
“Ah, wala. Date lang ganun.”
“Ows? Talaga? Kwentuhan mo naman kami, Aria!” excited na sabi ni Jiya.
“Hahaha, kumain lang kami sa restaurant tapos nagkainuman ng kaunti sa condo niya--” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla akong hinawakan ni Nathan sa magkabilang balikat at tinignan ang katawan ko.
“Ano? May nawala ba? May hindi na ba buo? Nakauwi ka bang buo? Ano?? Sagot!” sigaw niya at binatukan ko naman siya dahil napatingin ang mga kaklase namin sa amin. “Aray! Bakit nambabatok ka??”
“Bakit sumisigaw ka?”
“E kasi nagkainuman kayo!”
“Tapos?” seryoso kunwaring tanong ko sa kanya. Hindi naman 'yun first time na nangyari sa amin ni Ram ah.
“Baka kasi may nakuha siya??”
“Ulol, anong tingin mo sa akin?”
“Mahinhin!” nanlalaki ang mga matang tinignan ko siya. “Napaka-inosente mo kasi!” sigaw na naman niya at nagtatakang tinignan ko naman siya dahil seryoso siya.
“What's wrong with you, Nathan?”
“Look, Aria. Nag-aalala lang ako, okay?”
“Excuse me?”
“Guys, stop.” saway ni Jiya sa amin.
“Itong si Nathan ang kausapin mo oh hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganyan 'yan.”
“Tsh, ayaw mo ba na may kaibigan kang nag-aalala sa'yo?” nakangiti man pero bakas ang inis sa mukha ni Nathan.
“Hoy, naiintindihan ko 'yun pero di ko maintindihan na sa tagal nating naging magkaibigan ngayon ka lang naman kung mag-react ng ganyan.” pilit ko rin pinapakalma ang sarili ko.
Kakarating ko lang tapos ito kaagad ang mangyayari. Naiintindihan ko siya, promise. Pero di ko maintindihan kung bakit ganito naman ka-OA ang reaction niya. Alam ko na mahinhin ako at mas lalong alam ko na inosente ako dahil hindi ko pa nararanasan ang mga naranasan niya. Tssh.
YOU ARE READING
Beauty of Chaos
Non-FictionI thought life would be this easy and full of happiness. I thought our world only revolved around vices, alcohol, and sex. But everything is an illusion; with every step that you take, there's always a challenge, and you only have two choices: to co...