Kinabukasan nun sobrang tamlay ko. Tinamad akong bumangon. Tinamad maligo. Tinamad na ayusin ang sarili ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko! Masyadong ginulo ni Ram ang utak ko. Kahit hindi ko siya kinompronta sa nangyari kagabi pero alam ko na hindi na kailangan iyon kasi nakita ko mismo.
Kinuha ko ang phone ko sa side table at tinignan kung may chats ba siya or text pero wala. 'What if, ako 'yung tatawag sa kanya?'
Napabalikwas ako ng bangon at nanginginig man ay tinawagan ko siya. Itinapat ko ang speaker ng phone sa tenga ko.
*RING RING
*RING RING
*RING RING
'THE NUMBER YOU HAVE DIALED IS NOW UNATTENDED, PLEASE TRY YOUR CALL LATER.'
*Toot toot
“Piste!” napasigaw ako sa sobrang inis at itinapon ang phone sa kama. Sinabunutan ko pa ang sarili ko baka sakaling panaginip lang ang lahat.
“Arya, anong nangyayari?” narinig ko ang boses ni Nanay sa labas ng kwarto. “Papasok ako.” saka niya binuksan at pumasok. “Ayos ka lang ba? Bakit sobrang gulo naman ng buhok mo.” tuluyan na siyang lumapit sa akin at inayos ang buhok ko. “May nangyari ba?”
“Kasi si Ram, hindi na sinasagot ang tawag ko.” salubong ang kilay pero naiiyak na sabi ko pa kay Nanay.
“Baka busy lang siya.”
“Busy nga. Sa sobrang busy nakalimutan na ata ako.”
“Diba sabi mo naman malapit na grumaduate ang isang 'yon.”
“Iyon na nga, Nay. Malapit na pero saka pa nagloko.”
“What do you mean?”
“I saw him last night. Sa bar na pinuntahan namin...” napabuntong-hininga ako. “H-Hindi ko maisip na sa sobrang bait niya sa akin may tinatago pala siya.”
“Ano bang nangyari?”
“Nakita ko siyang nakikipaghalikan sa men's comfort room.”
“Oh my god!” napatakip pa ang tomboy kong Nanay sa bibig niya. “Ibig mong sabihin bakla siya??”
“Hindi ho! Nakita ko siyang may kahalikan na babae sa cr ng panlalaki.”
“Ah, akala ko nakikipaghalikan sa kapwa niya lalaki.”
Heto na naman ang pakiramdam na sumisikip ang dibdib mo kapag naaalala mo 'yung mga pangyayari na alam mong hindi kaaya-aya para sa'yo.
“Hindi niya nga ata alam na nandun ako. Pero hindi ko rin in-expect na andun siya tapos hubad na ang pang-itaas na damit nung babaeng hinahalikan niya.”
“Tangina, seryoso??” napatango ako sa kanya. “E gago palang tao 'yon! Sinong nagbigay ng karapatan sa kanya na saktan ka ng ganito?? Ano reresbakan ko ba?”
Natawa ako saglit. “Hindi na, Nay. Hayaan nalang natin 'yon. Wala na rin akong magagawa kung hindi ako ang gusto niya.”
“Paano ka naman?”
“Wala. Magmo-move on kung kinakailangan.”
“So kung hindi si Ram ang naghatid sa'yo kagabi dito, sino naman 'yon?”
YOU ARE READING
Beauty of Chaos
Non-FictionI thought life would be this easy and full of happiness. I thought our world only revolved around vices, alcohol, and sex. But everything is an illusion; with every step that you take, there's always a challenge, and you only have two choices: to co...