“The birthday boy is here.” nakangiting saad pa ni Alexander sa kung sino at nakipag-fist bump sa birthday boy daw.
Napatingin naman ako sa kanya. Bad boy, maraming tattoo, black hair, moreno, chinito, may suot na earrings, malinis kung manamit, halatang may kaya, bad boy, bad boy ulit at bad boy pa rin.
Napatingin siya sa akin at saglit na napatitig pero iniwas ko na kaagad ang paningin ko sa kanya, kinuha ko ang pamaypay saka pinaypayan ang barbeque.
Nilapitan ni Alexander at Angelo yung birthday boy at kinausap. Kasama niya rin si Alexus at dalawang kaibigan niya na hindi ko naman kilala.
Lumapit si Alexander sa akin at hinawakan pa ang bewang ko dahilan para mapaigtad ako saglit. Napatingin ako sa kanya pero nakatingin siya sa mga kaibigan niya habang nakangiti. Tinignan ko naman ang mga kaibigan niya at napansin na naman ang kakaibang titig nung birthday sa akin pero hindi ko na siya pinag-aksayahan ng oras na tignan. “Guys, this is Aria. Aria sila mga kaibigan namin ni Alexus. Si Tim, Jake...” isa-isa niyang tinuro ang mga kasamahan niya.
“Hey, nice to meet you.” nakangiting sabi ni Tim at inilahad pa ang kamay sa harapan ko. Tinanggap ko naman iyon .
“You, too.” pormal na sagot ko at tipid siyang nginitian.
Inagaw naman nung Jake kamay ko. “I'm Jake.”
‘Alam ko, kakasabi lang ng pinsan ko.’
“Yes, nice to meet you.” sabi ko sa kanya.
“At siya si Preston 'yung friend na tinutukoy ko na birthday ngayon.”
Napatingin ko sa Preston na iyon pero wala akong sinabi. He just nodded at me tapos iniwas ang paningin kaagad. Gusto ko siyang irapan pero pinigilan ko lang ang sarili ko dahil baka isipin nila ampangit ng ugali ko. At saka baka kung ano pa ang maisip nila dahil tinatarayan ko siya kahit hindi ko pa naman kilala.
“Dito ba tayo tatambay?” nakangiting sabi ni Tim.
“Tatambay lang saglit tapos babalik naman tayo kaagad sa bahay nila Preston.” sagot ni Alexus.
Ah, nanggaling na pala sila doon...
Naupo sila sa buhanginan at natigilan ako saglit nung maglabas si Alexander ng isang cooler na may lamang mga alak. Kinuha niya pa ata sa tent iyon eh.
“Come sit here beside me, Aria.” alok ni Angelo sa akin at sumunod naman ako sa kanya.
Pinagigitnaan naman nila ako ni Alex. Sa right side ni Alex ay si Alexus, katabi niya si Tim, katabi ni Tim si Jake at pinagigitnaan nila ni Angelo si Preston.
“Umiinom ka ba??” seryosong tanong ni Alexus at napatingin naman ang lahat sa kanya. Sa akin siya nakatingin so I assumed ako ang tinatanong niya.
I cleared my throat. “Oo, slight.”
“Okay.” masungit na sagot niya pero hindi ko na siya sinagot.
“Huwag kang papalasing pupunta pa tayo sa bahay ni Preston to continue the celebration.” sabi ni Alexander pa at tumango naman ako.
Nagsimula kaming mag-inuman. Si Angelo ang taga-salin ng alak sa plastic cup. Nauna siyang uminom dahil siya naman ang may hawak ng baso. Ang iba pa naming mga kasama ay may hawak na stick ng barbeque.
“Bakit naisipan niyong pumunta dito?” tanong ni Alexander sa kanila. Nakatingin dun sa Jay na birthday boy nila.
“Wala akong ibang mga bisita maliban sa inyo tapos nandito lang pala kayo, kanina pa namin kayo hinahanap.” sagot nung Jay. “Kaya when Alexus went to my place sakto namang dumating tong dalawa...” tukoy niya kay Tim at Jake.
YOU ARE READING
Beauty of Chaos
Non-FictionI thought life would be this easy and full of happiness. I thought our world only revolved around vices, alcohol, and sex. But everything is an illusion; with every step that you take, there's always a challenge, and you only have two choices: to co...