After 2 years....
Naalimpungatan ako nung marinig ang kaluskos na para bang may bumukas ng pinto sa kwarto ko. Nakapikit man ay sinubukan kong huwag gumalaw para maniwala ang pumasok na iyon na tulog pa ako.
Naramdaman ko na parang may umupo sa kama ko at halos mapasinghap ako nung haplusin niya ang buhok ko. Nanatili lang akong nakapikit na parang natutulog lamang.
“Arya...” mahinang bulong ni Nanay. “Its your birthday today.”
Oo nga pala, birthday ko pala ngayon.
“Bente ka na...” mahina pa rin na sabi niya. “Naaalala mo pa ba nung nwebe ka pa?” napalunok ako. She keeps on caressing my hair. “Ako 'yung nandiyan sa tabi mo nung mga p-panahon na...na...” narinig kong napahikbi si Nanay sa kung ano man ang sasabihin niya. “Nung mga panahon na iniwan ka ng mundo, ako 'yung nandyan sa tabi mo. Kasi ayaw ko na maramdaman mong nag-iisa ka lang. Sobrang bata mo pa nun para makaranas ng paghihirap...” Gusto kong umiyak sa ala-ala na iyon. “H-Hindi ko rin maintindihan ang mga tao sa paligid mo kung bakit----bakit ang isang inosenteng katulad mo pa ang pinapahirapan sa desisyon na hindi dapat ikaw ang gumawa.”
‘N-Nay.....’
“Alam mo ba nung makita kitang nakaupo 'nun', hindi ako nagdalawang-isip na puntahan ka at payongan. Kahit pa mapahamak ako hindi ko na naisip basta malapitan lang kita para hindi ka na lalong mabasa sa ulan.”
‘Iyon nga ang pinakamatatag na ginawa mo sa akin Nay. Wala kang ibang ginawa kundi protektahan ako sa mundong mapang-api.’
“Sobrang bilis ng panahon, Arya. Kaarawan mo na at nagdadalawang-isip na a-ako....” mahinang sabi niya pa.
Napalunok ako.
“Happy birthday anak.” she kissed my forehead. “Mahal na mahal kita.”
Nung maramdaman kong umalis na siya sa pagkakaupo sa kama ay saka ako nagmulat at napaiyak sa mga sinabi niya. Napayakap pa ako sa unan at napatitig sa kisame.
“Nay...” mahinang sabi ko pa. Kinuha ko ang selpon at tinignan kung anong oras na ba. 3am pa pala. Tumagilid ako patalikod sa pintuan habang nakayakap pa rin sa unan ko.
Biglang sumakit ang sintido ko nung may ala-alang sumagi sa utak ko.
“I-I can't.”
“Just do what I said.” he said.
“This is w-wrong.”
“Stop fooling around!!” he shouted. I covered my ears because I was scared.
“H-Hindi...h-hindi.” Napahilot ako sa sintido ko at pumikit. Sinubukan kung kalimutan ang usapan na iyon dati hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog pala ulit ako.
Nagising na lamang ako nung tumatama sa mukha ko ang sinag ng araw. Hinarang ko pa ang unan sa mukha ko at dumilat. Napabalikwas ako ng bangon at kaagad na lumabas ng kwarto upang hanapin si Nanay.
“Nay? Nay?” hinanap ko siya sa kwarto niya pero wala siya doon. Bumaba ako ng hagdan at nagtungo sa kusina. Nakahinga ako ng maluwag nung nakita ko siyang nagluluto. “Nay, good morning.” sabi ko pa at naupo sa upuan.
Hinarap niya ako at natigilan ako nung mapansin ang namumugto niyang mga mata. Umiyak nga pala siya nun. Palihim akong napabuntong-hininga.
“Good morning, anong oras daw ba dadating ang mga kaibigan mo?”
YOU ARE READING
Beauty of Chaos
Non-FictionI thought life would be this easy and full of happiness. I thought our world only revolved around vices, alcohol, and sex. But everything is an illusion; with every step that you take, there's always a challenge, and you only have two choices: to co...