Aria's POV
Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok sa labas ng pinto. Kinusot ko ang mga mata ko at saka binuksan iyon. Bumungad sa akin ang mukha ni Nanay at halatang kakaligo lang niya. “Kakagising mo lang?”
“Nagising ho ako sa katok, nay.”
“Ginising na kita kasi mag-aalmusal na tayo.”
“Almusal?” napatingin ako sa wall clock.
“Oo, Linggo na ngayon, Arya. Magdamag ka lang natulog kagabi, kahit ginising na kita ay sobrang himbing pa rin ng tulog mo.” Kaya pala kumakalam na ang sikmura ko kasi hindi pala ako nakapag-dinner kagabi. “At alam kong nagugutom ka na kaya tara na.”
Bumaba na nga kami at nadatnan ko ang tatlong magkakapatid na tahimik na kumakain. Napansin ako ni Alex at nginitian. “Come and join us.”
“Thanks." Sagot ko at tumabi naman ako kay Nanay. Pinagigitnaan namin siya ni Alexus.
“Do you have any plans later?” Alex asked while his eyes were on his food.
Hindi ko siya sinagot dahil baka hindi ako ang kausap niya. Tinulungan naman ako ni Nanay na lagyan ng pagkain ang plato ko.
“Yep, it's my friend's birthday mamaya kaya pupunta ako.” sagot ni Alexus.
“Who?”
“Preston.”
“Oh?? I think he also invited me. Did you receive his invitation??”
“Of course, kahit sino makakalimutan niya huwag lang ako.” nandoon pa rin ang kasungitan sa boses ni Alexus.
Hindi ko naman sila nililingon kasi wala naman akong karapatan na makisingit sa kanila. At isa pa, hindi ko naman kilala ang pinag-uusapan nila. Tahimik lang ako na kumakain at hindi maiwasan na mamangha sa sarap ng mga pagkaing nakahain sa harapan namin.
“I think isama natin si Aria.” napatingin kaagad ako kay Alex nung sabihin niya pa iyon. Nakangiti na siya nung ibinaling ko sa kanya ang paningin ko.
“H-Ha? Hindi na, Alex....”
“No, it's fine. Mas mabuti na isasama ka namin para na rin malibot mo ang lugar dito sa Cebu.”
Nginitian ako ni Nanay. “Alex is right, Arya. Sumama ka na sa kanila mamaya para makapag-enjoy ka rin dito.”
I sighed. “Okay.”
“Aalis tayo mamaya.” he added, so I just nodded to him.
Tinapos ko na kaagad ang kinakain ko. Sinabi ko kay Nanay na ako ang maghuhugas ng pinggan pero pinigilan ako ni Alex dahil may mga katulong naman sila.
Hindi lang siguro ako sanay sa pamumuhay na meron sila. Wala kasi kaming mga katulong sa Manila nun. Kaya nababaguhan lang siguro ako. Kailangan kong masanay dahil ito na ang bagong buhay ko.
Nasa rooftop ako ng mansion nila. Halos mawala pa ako dahil napakaraming pinto ang madadaanan ko pa bago tinahak ang rooftop na ito. Pagkatapos ko kasing maligo ay wala naman akong ginagawa kaya napagdesisyunan kong pumunta dito. Buti na nga lang at nagtanong ako sa mga maid.
Nakatukod ang dalawang braso ko sa railings at nakatingin sa ibaba. Hindi ko akalain na sobrang laki pala talaga ang mansion na ito. Kung ipagkokompara ko kasi ang mga bahay katabi ng mansion ay mas malaki talaga ito. Sa likod pa ng mansion ay andoon ang swimming pool nila at may garden pa talaga na sobrang lawak. Sa gilid ng garden ay may playground pa, siguro ginawa nila ito para kay Alexis. Ang garage nila na mas malaki pa sa bahay namin dun sa Manila. Siguro madaming sasakyan ang nasa loob nun kasi sobrang laki.
YOU ARE READING
Beauty of Chaos
Non-FictionI thought life would be this easy and full of happiness. I thought our world only revolved around vices, alcohol, and sex. But everything is an illusion; with every step that you take, there's always a challenge, and you only have two choices: to co...