Higit isang oras nang naglalakad sina Narra ngunit walang sinyales ng baryo pa itong nakikita, bagaman wala pa naman siyang napuntahang baryo dati. Ang tanging tanda na may kumunidad na naghihintay ay ang makipot na daang kanilang tinatahak sa gilid ng bundok, kung saan ang mga damo ay mas mainipis kumpara sa mga nakapaligid, mangilan-ngilang bato, at basang lupa. Ang init sa loob ng suot nyang kapote ay hindi makawala, na mas pinantindi pa ng unti-unting pagkapit ng ilang bahagi nito sa malalagkit na pawis ng kanyang balat.Patuloy ang reklamo sa kanyang utak. This is a mistake. Faraway village, no signal, no phone. I shouldn't have gave in to my Pa, should have told them I'm sick, or anything... I should have come up to something. But, really, there isn't so much of available excuses when you just graduated high school in midsummer, not even lies.
Kung ano mang mga reklamong mayroon sya ay hindi nya ito pinarating sa kanyang tito, na sumundo sa kanya sa kalsada kung saan sya ibinaba ng kanyang papa. Marami siyang katanungan gaya ng kung paano pumapasok sa iskwelahan ang mga magaaral, ngunit pinili muna niyang unahin ang bagay na labis niyang pinagtataka. Ang ulan. Seriously? Amid April? Climate change has never been this hard.
"Tito Bani . . . uhh," hinawi nya ang nakaharang na madahong sanga ng halaman gamit ang tangkay na hawak nya, "can I ask . . . I mean, pwede po ba akong magtanong?"
Ang kanyang tito, na abala rin sa paghawi sa makakapal na sangang nakaharang, ay sandaling huminto sa paglalakad. Nagbigay sya ng maikling halakhak kasabay ng paglingon nya sa kanyang pamangkin. "Siyempre naman, Narra. Magtanong ka lang. Higit isang buwan mo rin kaming makakasama rito, kaya maging kumportable ka lang. Welcome ka dito sa amin, pamangkin."
Kinuha ni Narra ang panandalian nilang paghinto upang makapagpahinga. Ang kanyang tito ay tila pinabatang imahe lang ng kanyang papa, nabawasan ng mga guhit sa paligid ng mga maamong mata, bahagyang payat na mukha. Yumuko sya at maiging pinagmasdan ang malambot at maputik na lupa sa pagitan ng maninipis na damo, ang mga labak sa namuo. "These puddles," saad nya, "Ilang araw na po bang umuulan dito?"
"Palagian ang ulan dito, Narra." Huminga ang kanyang tito ng malalim na tila ba'y namangha. "Balita ko mainit ngayon sa siyudad, at madalang ang ulan? Kabilaktaran dito."
Lalo lang nagulumihanan si Narra. I heard news. The summer is real. Rain is rare, upper Luzon included. "May bagyo po ba o low pressure area malapit sa upper part ng Pilipinas?"
Agad na natawa ang kanyang tito. "Wala, pamangkin. Sandyang ganito lang talaga sa lugar namin . . . Maulan."
"Paano po sa summer, tulad ngayong kalagitnaan ng April?"
"Ganoon pa rin,” kibit-balikat ng kanyang tito, “umuulan dito nang halos walang tigil, bagamam marahan lang. Pero gayon man, tila ba ang lugar na ito'y may sariling mundo, o kaulapan."
"It's just . . . weird," hindi napigilang tugon ni Narra. I knew it's weird simula noong ipinilit ni papa na magdala ako ng bota para sa basa at maputik na daan—sa pinakamainit na buwan sa Pilipinas. I should really have never agreed to go here. Pagkalumo ang bumalot sa kanyang dibdib, na napansin ng kanyang tito ngunit agad itong ipinagsabahala. Nanatili ang liwanag sa mukha nito.
"Ganoon nga, pamangkin," sang-ayon ng kanyang tito. "Kagayang kagaya mo ang kuya kong si Laurel. Mahilig din magtanong si papa mo. Marami siyang tanong. Kaya walang duda nagawa nyang makipagsapalaran sa mga siyudad hanggang sa makarating siya ng maynila." Tiningnan nya si Narra na tila ba nakatingin sa tagumpay ng kanyang kuya, at napabuntong hininga. "Ang mga siyudad ay para sa mga may pangarap, palagi nyang sinasabi noong kami'y mga binata pa lamang."
At iyon rin mismo ang laging naririnig ni Narra sa kanyang papa. The cities are for the dreamers. Nang tanungin niya kung para saan naman ang mga probinsya, ang kanyang papa ay ngumiti lamang at sinabing, "it's different for every person, Narra. Maybe one day you'll find it out yourself." Malinaw kay Narra na hindi sa ganitong paraan nya gusto malaman ang kasagutan.
YOU ARE READING
MISTY (Filipino Fantasy Novel)
FantasyIn the mountain valleys of upper Luzon lies a remote village, misty from the steady rain that seem to never end. After graduating from senior high school, Narra, a girl from the cities of metro manila, has to spend her summer in a remote village upo...