It is heavy downpour when they arrive, and the dark is gathering beyond the cluster of trees. Bulk of sweats trickle Narra's back, body aching for long hours of trekking, and the watery smell of the whole place stings her nose with heavy moisture. But Narra forgets all about it the instant she had a glimpse of the house.
At the dead end of the mossy lane, patiently waiting, is a quiet structure with mystic look. For a while, Narra felt totally lost. It's wooden walls were darker than the puddles beneath her feet, making it look like a part of the forest itself, surrounded by bushes, ferns, and solemn trees. Despite the rain, the house looks warm and steady, promising a cradle of warmth. Few lamps were open along its little porch, where thin mists catches the golden light coming from them.
Despite herself, Narra's jaw dropped.
"Naghihintay na sila sa atin sa loob," saad ng kanyang tito Bani. Kasunod no'n ay ang pagsilip ng isang bata sa nakaawang na pinto. Lumiwanag ang mukha ng kanyang tito. "Katmon!" tuwang bati nito at tuluyan na silang dumiretso sa bahay.
"Ma! La! Nandito na po sila!" masiglang sigaw ng bata at itinulak lalo pabukas ang pintuan.
"Iyong pinsan," aliw na sambit ng kanyang tito, at sinalubong ang bata. Pagkatanggal mismo ng kanyang kapote ay binigyan agad ito ng yakap ng kanyang anak.
Pinagmasdan lamang ni Narra ang dalawa habang marahan nyang hinubad ang kanyang kapote. Hinawi nya sa kanyang isipan ang huling alaala kung saan kanya ring sinalubungan ng nanabik na yakap ang kanyang papa noong siya'y musmos pa lamang.
"Ang ate Narra mo," pakilala ng kanyang tito.
"Hello po, ate Narra."
Yumuko sya at magaang inilapat ang kamay sa braso nito. "Hello, Katmon."
Niyakap sya ng bata. At niyakap nya ito pabalik. "Kinukuwento ka po sa amin nila lola."
Nakangiting hinarap ni Narra ang kanyang pinsan. "Gano'n ba? Napakasweet mo naman."
"Dyaan nagmula ang kanyang ngalan, apo. Puno ng Katmon, matamis na talulot sa mga bulaklak nito."
Tumingala siya sa pinagmulan ng boses at natagpuan ang kanyang lola, sa maamo at masaya nitong mukha. Siya'y musmos pa lamang noong huli siyang tumira rito, at hindi na nya maalala pa ang mukha ng kanyang lola. Ngunit nang makita niya ito'y hindi siya nanibago, kahit papaano ay tumatak sa kanyang murang kaisipan ang maamong mukha ng nag-alaga sa kanya noong siya'y sanggol pa lamang.
Or maybe I heard too much stories about lola cradeling me as an infant, sambit ni Narra sa kanyang isip. Gayon pa man ay hindi maitatangging namangha siya. Binalikan nya ang bilin ng kanyang mama at papa, Be good, at binigyan ng ngiti ang kanyang lola.
"Lola Dillenia," buntong hininga nya. "Magandang gabi po sa inyo." Umangat siya at tinanggap ang alay na yakap ng matanda. "Natutuwa po akong makita kayo." Pinalibutan siya ng magaan na init.
"Apo, maraming salamat at pinaunlakan mo ang kahilingan kong magbakasyon ka rito."
Alam ni Narra ang totoong dahilan ng kanyang pagpayag, ngunit kanya itong isinantabi. "Lola Dillenia, matagal ko na rin pong gustong makabisita dito sa inyo." At napagtanto ni Narra na iyon ay totoo. Dati pa lang ay nais na nyang makita ang kanyang lola, subalit hindi sa ganitong paraan. Marahil hindi nya nais magbakasyon sa kagubatang baryo na ito—dahil sino ba naman ang magnanais?—pero hindi nangangahulugang hindi nya gustong makita ang kanyang lola.
Lumuwag ang kanilang mga yakap, kumalas, at hinarap ang isa't isa. "Dalaga ka na, kasing-ganda ng iyong mama Louise."
"At dahil rin po nagmana po sa inyo, lola." Iyon ay di biro. Sa kabila ng kanyang makintab na puting buhok, kulubot na balat, at mahinang postura, ay kita ang mga nagdaang ningning sa kanyang mukha, isang imahe ng bulaklak sa lumang larawan, isang rosas sa pagitan ng pahina ng lumang libro. Alam nya na iyon ay isang kaayaayang bulaklak, ito man ay malanta o mawalan ng makintab na kulay.
YOU ARE READING
MISTY (Filipino Fantasy Novel)
FantasyIn the mountain valleys of upper Luzon lies a remote village, misty from the steady rain that seem to never end. After graduating from senior high school, Narra, a girl from the cities of metro manila, has to spend her summer in a remote village upo...