Prologue.

390 2 0
                                    

Alam niyo kung gaano kahirap maging anak ng isang mayaman?

Nakaplano na ang buong buhay mo.

Na bawat galaw mo e binabantayan ng mga taong nakapaligid sayo.

Tipong isang maling galaw mo lang ay ikaw na ang talk of the town.

Alam niyo kung gaano kahirap ang magkaroon ng kapatid na sobrang bait at masunurin?

Na sa tuwing may mali kang magagawa ay ikukumpara ka niya sakanya?

Na hinihiling nila na yun lang ang sana ang anak nila.

Kasi ako, alam na alam ko kung gaano kahirap yun.

Nabuhay ako sa pamilya ko na walang pakialam sa akin. Na puro mali ko nalang ang napapansin.

Kailan kaya ako magiging masaya?

Kailan kaya ako mamahalin ng magulang ko?

Kailan kaya yung araw na ako na ang may control ng buhay ko? Na ako ang pipili ng taong mamahalin ko.

Ako lang naman si Olivia Jane Mercado o mas kilala bilang si Via, at ito ang istorya ng buhay ko.

The Incomplete Princess. (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon