[Gela’s POV]
July 15.
Ang araw na pinaka-inaantay ni Via.
Ang pag-eengage nila ni Max.
Walang nakakaalam about dun. Ang alam ng lahat ay magpaparty lang ang family ni Via at may good news daw.
*Text message tone*
From: Via Mercado
Sis! I’m here in the hotel na, and I’m excited. :)
Tignan mo naman kung gaano siya ka-excited diba?
Sakanya na mismo nanggaling. Hahaha!
To: Via Mercado
Halata nga sis e. Hahaha! Magpaayos ka na, ako rin iniistart ng ayusan e. See you later! :D
At ayun, tinuloy na nung make-up artist yung pagaayos sakin.
Black and White pala ang theme nung party.
So white gown ang napili kong suotin for this night.
Tapos si Ry ang partner ko for the night.
Susunduin daw nila ako ni Louie at sabay sabay na kaming pupunta sa venue.
—
5:45 na nung matapos akong ayusan.
Sila Ry at Louie naman ay on the way na dito sa bahay.
7pm kasi ang start nung party, 45 minutes drive lang naman yun.
*Beep Beep*
Nasa labas na pala yung panget na kaibigan ko. Hahaha!
“Hi Pange—uy! Himala! Naging tao ka ngayon!”
Kilala niyo naman kung sino ang babati sakin ng ganyan diba?
“Ikaw din, mukha kang tao ngayon. Galing nung nagdamit sayo a!” balik kong pang-aasar sakanya.
“Asus! Matagal na kong mukhang tao, napakagwapong tao. Hindi katulad mo na baboy na nabihisan lang.” At nag-smirk sakin.
Aba aba! Ang kapal nitong lalaking to.
Kung hindi ka lang talaga gwapo ngayon, sapak ang aabutin mo sakin.
“Whatever bro! Ano nakain mo at ang kapal ng mukha mo ngayon? Hahaha!”
“Tenga ng daga, bituka ng manok, paa ng—“
“LECHE KA JOHN RILEY!! TUMIGIL KA NGA DYAN SA PINAGSASABI MO!”
“Baliw ka rin e no? Ikaw nagtatanong kung ano kinain ko tapos nung sinasabi ko na pinatigil mo.”
“E para ka kasing baliw e!!”
“Baliw talaga ako, baliw na baliw sayo.”
Hindi ko narinig yung huling part ng sinabi niya.
Binulong lang niya kasi e.
“Ha? Ano ulit sabi mo?”
“Wala wala. Sabi ko alis na tayo at baka malate pa tayo sa party.”
“At buti naman naisipan niyo na umalis, akala ko mag-aaway pa kayo e.”Louie.
“Uy brad! Nandyan ka pala, hindi ka kasi nagsasalita e!” sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Incomplete Princess. (KathNiel)
Novela Juvenil“Naranasan mo na ba na walang pakialam sayo ang magulang mo tapos kung papakialaman ka man e yung mali mong nagawa? Kasi ako, oo. Sa pamilya namin, ako ang tinatawag nilang black sheep. Para sakanila kasi lahat ng ginagawa ko mali. Pero sa isang pan...