[Via’s POV]
Two months na ang nakakalipas.
At masasabi ko sainyo na masay na ko kahit papaano.
Masaya in a way na hindi ko na sinisisi ang sarili ko sa pagkamatay niya.
Malalaman niyo rin kung bakit ganito na nararamdaman ko.
Balikan natin yung time na nagbakasyon kami a Baguio.
*Flashback [Third Person POV]*
August 3.
Ngayon na ang punta nila sa Baguio.
8 na ng umaga, at nandito sila sa bahay nila Via ngayon.
Inaayos na nila ang mga gamit nila papasok ng sasakyan.
Ipag-dridrive sila ni Kuya Tops papunta dun.
Ry: Angela! Ano ba ang bagal bagal mong kumilos!
Gela: Wag ka nga makialam!
Nakaupo pa kasi sa sala si Gela at inaayos ang sarili niya.
Dito na kasi sila nag-overnight kagabi para naman hindi na sila mag-aantayan ngayon.
Louie: Tignan mo yang dalawang yan, hindi na natapos ang pagtatalo. Hahaha!
Via: Oo nga e. Bagay sila no?
Louie: Oo. Alam mo ba, feeling ko may gusto si Ry dyan kay Gela e.
Ry: Hoy Louie! Ano yang pinagsasabi mo dyan? Tulungan mo kaya ako sa paglalagay ng gamit dito! Dumadamoves ka pa kay Via e! May boyfriend na yan!
Via: HAHAHA!
Louie: Manahimik ka nga dyan kung ayaw mo pang mamamatay.
Tumulong na rin sa pag-aayos tong si Louie.
Habang yung dalawang babae naman at pumasok na sa loob ng van.
It’s gonna be a long ride.
—
Gela: Kuya Tops! Stop over muna tayo sa lion’s head! Papa-picture muna kami dyan!
Kuya Tops: Sige ho ma’am.
Ry: Sus! Parang ngayon ka palang nakapunta dito.
Gela: Pake mo ba? Edi wag kang sumama sa picture!
Ry: Tala—
Louie: Cease fire nga muna kayo ngayon!
Via: Oo nga naman.
Ry/ Gela: Fine.
Huminto sa gilid ng daan ang van nila Via.
Naunang bumaba sina Ry at Gela.
Tumakbo naman agad yung dalawa sa may lion’s head at nagpicture picture.
Sumunod naman bumababa si Via.
Kasunod nito si Louie.
*BEEEEEEEEEEPPPPPP*
Isang malakas na busina ang narinig ni Louie at Via.
Kaya naman agad hinila ni Louie.
Napayakap naman si Via sa lalaki.
“Via, mag-ingat ka nga. Kakagaling pa nga lang yung sugat sa kamay mo, magkakasugat ka na naman.” Sabi ni Louie.
“Sorry. Hindi ko naman napansin na may paparating na sasakyan.”
BINABASA MO ANG
The Incomplete Princess. (KathNiel)
Ficção Adolescente“Naranasan mo na ba na walang pakialam sayo ang magulang mo tapos kung papakialaman ka man e yung mali mong nagawa? Kasi ako, oo. Sa pamilya namin, ako ang tinatawag nilang black sheep. Para sakanila kasi lahat ng ginagawa ko mali. Pero sa isang pan...