[Via’s POV]
“Ok class, dahil next week na ang exam week niyo at after nun ay semestral break niyo na.. Napag-isip ko na gumawa kayo ng kanta para sa second grading periodical niyo. Sariling composition at tono ang gagawin niyo. Pwedeng tagalong or englihsh yun. Kahit tungkol sa love, friendship, or kahit ano ay pwede. Naiintindihan niyo ba?” Sabi ni Ms. Gonzales.
“Ma’am, kanya kanya po ba to or by group?” tanong ni Trish.
“By pair ang gagawin niyo. Boy-girl dapat. Kayo na bahala kung sino ang gusto niyo. Sige na maghanap na kayo at mag-usap. Oo nga pala, ipeperform niyo yun sa examination day natin. Dito lang naman sa classroom.”
Shocks. Sa dami ng pwedeng ipagawa sa amin sa exam yung pagkanta pa.
Ok lang sakin na mag-compose ng kanta e, pero ang pagkanta…
Yan ang hindi ko kaya. Nahihiya ako.
Hindi naman kasi ako singer e.
Ang panget panget kaya ng boses ko.
Feeling ko nga boses palaka yun e.
Louie: Via..
Napalingon naman ako sa katabi ko.
Kay Louie.
Via: Bakit?
Louie: Tayo nalang ang partner ha? Hahaha! Bawal kang umayaw.
Si Louie naman talaga ang yayain ko maging partner eh.
Siya kasi ang pinaka-close ko sa guys dito sa room.
Pati din naman si Ry, pero alam kong si Gela ang yayain niyang maging partner no.
Ay! Oo nga pala, tinatanong pala ako ni Louie.
Pero pagtritripan ko muna.
Via: Paano kung ayaw ko na ikaw partner ko? *smiles*
Louie: Edi sige, hahanap nalang ako ng iba.
Sabi ko sainyo e.. Pipilitin ako ni—- ANO!
Tama ba narinig ko? Maghahanap nalang daw siya ng iba?
Sabihin niyo nga sakin na mali lang rinig ko.
Via: A-ano?! Anong s-sabi mo?
Louie: Sabi ko maghahanap nalang ako ng iba.
Bakit ganun.. parang nakaramdam ako ng kirot sa may dibdib ko.
Ay nako, kailangan ko na ata magpacheck-up sa doctor, baka may sakit ako.
Sabihin ko nga kay Miss Joyce na magpapa-general check up ako.
Via: J-joke lang naman e. S-sige na, tayo na ang partner!!
Nginitian lang ako ni Louie at bumalik din sa pagsusulat sa notebook niya.
Via: Hoy! A..anong nginingiti mo dyan?
Louie: Wala naman.. Pakipot ka pa kasi e. *smiles*
Naramdaman ko naman na biglang uminit ang mukha ko.
Hala ka.. nilalagnat ba ko?
Louie: Bakit ka namumula dyan? May sakit ka ba?
Nilapit ni Louie ang kamay niya sakin at ipinatong ito sa noo ko.
Tinitignan niya kung mainit ba ko.
Nilapit din niya ang mukha niya sakin at tinignan ako ng maigi.
BINABASA MO ANG
The Incomplete Princess. (KathNiel)
Roman pour Adolescents“Naranasan mo na ba na walang pakialam sayo ang magulang mo tapos kung papakialaman ka man e yung mali mong nagawa? Kasi ako, oo. Sa pamilya namin, ako ang tinatawag nilang black sheep. Para sakanila kasi lahat ng ginagawa ko mali. Pero sa isang pan...