[Via’s POV]
First day of school na naman ngayon dito sa Royal Prep. Simula pagkabata ko ay dito na ako nag-aral, halos lahat nga ng mga students dito ay kilala ako at takot sa akin.
Bakit takot sa akin?
Kasi.. Ako lang naman ang princess dito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
The Incomplete Princess.
Isang tao lang ang nakakaalam kung bakit dun ako nakilala dahil siya din naman ang nagpasimuno nito pero may reason naman kung bakit yun ang tawag niya sa akin. Si Angela Lillian Barcelona o Gela, ang best friend ko.
Ako nga pala ang heiress ng Mercado’s Group of Companies. Isa sa mga pinakamakapangyarihang pamilya sa buong mundo. Kaya lahat ng galaw ko ay bantay-sarado ng media.
“Miss Via, nandito na po tayo sa school niyo. Susunduin nalang po ulit kita mamayang uwian niyo.”
“Sige po, salamat po Kuya Tops.”
Bumababa na ko sa sasakyan namin at dumiretso sa lobby para tignan kung saan section ako mapupunta.
Nung nakita ko na yung section ko, which is the kingdom section ay pumunta na agad ako.
“Good morning Princess Via.”
“Ang ganda niyo po Miss Via.”
“Ang Incomplete Princess ay nandito na!”
“Bakit nga ba siya nakilala bilang the Incomplete Princess?”
“Walang nakakaalam kung bakit yun ang tawag sakanya, tanging si Miss Angela lang.”
“Baka dahil wala pa siyang Prince kaya ganun. “
“Baka nga? pabayaan na nga natin yun! basta ang ganda ganda niya!”
Mga naririnig ko habang naglalakad ako papunta sa classroom namin. Kung alam lang nila yung totoo na may Prince na talaga ako.
Nginitian ko nalang sila.
Pagkarating ko sa room, nag-earphones at tumingin nalang ako sa bintana.
Hindi naman talaga ako ganito dati e, yung tahimik. Ang totoo niyan, kilala ako bilang Bad Girl ng Philippines Social Scene. Lagi akong trending sa twitter o kahit anong social networking sites dahil sa mga away na kinasangkutan ko. Nane-news pa nga ako e, kaya laging galit ang magulang ko dati pero nagbago ang lahat..
.
.
.
.
.
.
“Good morning Miss Incomplete Princess!” bati sa akin ni Gela.
Tinanggal ko yung earphones ko at binati din siya, “Good morning din, Gela! Late ka ata ngayon a?”
“Late ka dyan, ang aga aga pa kaya oh! 7:00 palang kaya. Masyado ka lang maagang pumasok.”
BINABASA MO ANG
The Incomplete Princess. (KathNiel)
Teen Fiction“Naranasan mo na ba na walang pakialam sayo ang magulang mo tapos kung papakialaman ka man e yung mali mong nagawa? Kasi ako, oo. Sa pamilya namin, ako ang tinatawag nilang black sheep. Para sakanila kasi lahat ng ginagawa ko mali. Pero sa isang pan...