TIP - Chapter Thirteen.

60 2 0
                                    

[Gela’s POV]

One week after umaalis ni Max sa bansa.

One week na rin malungkot at parang wala sa sarili si Via.

Mahal na mahal nga niya si Max.

Bakit kasi kailangan pa niyang umaalis at asikasuhin yun business nila dun e.

*RIIIINNNGGGG*

“Via, tara na sa canteen” aya ko sakanya.

Kaka-bell lang kasi meaning lunch break na namin.

“Ah sige, mauna ka na sa canteen Gela. Sunod nalang ako.” Matamlay niyang sabi.

“Susunod ka ha? kahapon kasi hindi mo ko sinipot dun e.”

Seriously. Sabi niya sakin kahapon na susunod siya pero hindi naman.

Tapos pagkabalik ko naman ng classroom, nakita ko siyang nakaupo lang dun.

Nagsosoundtrip tsaka nakatulala.

Minsan naman sasama siya pero pinaglalaruan lang yung pagkain.

“Oo naman, susunod ako. May aasikasuhin lang ako dito sandali.”

Sinunod ko nalang yung sinabi niya.

Susunod naman siguro siya diba?

[Via’s POV]

Umalis na si Gela.

Pumunta na siya sa may canteen.

Susunod naman talaga ako sakanya

Gusto ko lang muna kasi tawagan si Max.

Miss na miss ko na siya.

Simula kasi nung umalis siya, ang nakuha ko lang ay isang text na nagsasabi na nasa States na siya pero hindi niya ako sinubukan tawagan o itext after nun.

Masyado ata siyang busy.

Calling Max Lopez..

After 3 rings..

May sumagot..

.

.

.

.

.

.

.

.

“Hey it’s me Max, I’m kinda busy right now. Just leave a message after the tone and I’ll call you afterwards. *toot*

“Hey babe, I miss you already. Can you call me? I love you. Bye.”

Lagi nalang ganun.

Laging yung voice mail nalang niya ang sumasagot ng mga tawag.

Hay.. Max bakit hindi mo ko tinatawagan?

Nakakainis ka naman e.

Dumiretso nalang ako sa gym ng school kasi ito naman next class namin.

Hindi na ko sumunod kay Gela at sigurado akong papagalitan na naman ako nun.

Ilang araw na kong ganito, ang hindi masyadong kumakain.

Puro water at soup lang. Wala talaga akong gana kumain e.

“Olivia Jane Mercado, bakit hindi ka na naman sumunod sa canteen ha?” tanong ni Gela habang nasa likod si Ry at Louie.

“Hala ka Via! Umuusok na naman ang ilong ng best friend mo. HAHA!”pang-aasar ni Ry.

“Tumigil tigil ka dyan John Riley ha! Hay nako ka talaga Via, ito o, water and sandwich. Kainin mo nay an bago pa magstart yung PE natin.”

Kinuha ko yung inabot sakin na pagkain ni Gela.

Tapos umupo na sila sa tabi namin. Bali Louie-Ako-Gela-Ry.

Nagaasaran kasi yung dalawa.

Hindi ko kinain yung sandwich, uminom lang ako ng water.

“Alam mo, dapat kumakain ka. Tignan mo nga, ang putla putla mo na.”Sabi ni Louie sakin.

“Ah hehe, hindi kasi ako gutom e. Nauuhaw lang talaga ako.”

Ang totoo niyan, hindi pa ko kumakain simula kagabi.

Wala lang talaga akong gana. Tapos 2am na ko nakatulog kanina.

“Okay class, maglalaro tayo ng volleyball ngayon. Girls muna then after nun mga guys naman.” Sabi ni Ms. Vasquez.

Sinabi na samin kung sino sino ang magkakakampi.

Syempre kakampi ko si Gela. Astig nga e.

Bago magstart yung game, nakafeel na ko ng medyo pagkahilo.

Ininom ko nalang ng tubig. Baka kasi kulang lang ako sa liquids.

Yes! Lamang kami nila Gela.

Last point na namin at panalo na kami.

Service ng kabilang team.

Medyo naramdaman ko na naman yung pagkahilo, pero ngayon parang nahihina na rin ako.

Pero hindi, tatapusin ko tong laro.

Pagkaserve nung kabilang team.

Ni-receive ni Mitch yung bola papunta kay Gela.

Si Gela ay tinossed kaya naman ini-spike ko papunta sa kabilang side.

Nasalo naman ng kalaban yung bola.

Naririnig ko yung sigawan ng mga classmate naming lalaki.

Lahat sila ay nagchi-cheer sa aming babae.

Tinossed at ini-spike nung kabilang team.

Nablocked naman ito nila Gela.

Nung sasaluhin ko na, bigla nalang ako nahilo at napaupo sa court.

Napansin ko na nakita nila Gela yung nangyari sakin kaya nilapitan nila ako.

Pero para akong walang naririnig sa mga sinasabi nila at umiikot na yung paningin ko.

Maya maya, everything went black.

The Incomplete Princess. (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon