Maaga naman nagising si Via kinabukasan.
Habang si Gela ay tulog na tulog pa, tumayo na ito at nagpalit ng short at t-shirt.
Kinuha din niya yung itouch niya para may music siya.
Mag-jojogging kasi siya dito sa loob ng subdivision nila.
Sure rin naman siya na walang mga media dito dahil sobrang strict ng mga guards.
Ngayon sisimulan niyang ibalik ang masayahing Via.
Ang Via na naging kaibigan ni Gela nung nasa pre-school palang sila.
*Flashback*
Recess ng pre-school students dito sa may Royal Prep.
Kaya naman lahat ng mga bata ay nasa garden.
Either naglalaro o kumakain dun.
Sa medyo dulong part ng garden ay mga lalaking batang nagkukumpulan.
Inaaway nila kasi yung isang batang babae na mataba.
“Hoy! Bachang (batang) Baboy! Umalis ka nga sa school na to! Hindi ka bagay dito” sabi nung isang bata at tinulak yung batang babae.
Napatumba naman sa damuhan yung batang babae at nagsimula na umiyak.
Ginatungan pa nung mga kasamahan niya yung pang-aasar.
Kaawa-awang bata.
“Hoy! Kayo! Wag niyo nga awayin yung bata!” Sigaw naman ng isang batang babae.
“At bakit, sino ka bang bachang ka?!”
“Ako lang naman si Via! Ano papalag ka pa bata?!”
“Ay! Sorry po! Aalis na po kami! Tara na!” Yaya niya sa mga batang lalaking kaibigan niya.
Nilapitan naman ng batang Via yung batang babae.
“Bata, bata. Ayos ka lang?” Nakatago kasi sa dalawang tuhod nito ang mukha nito.
Inangat naman ng batang babae yung ulo niya at tumango. “O-oo. Salamat bata ah.”
“Ayos lang yun no. Ito panyo o. Ang dungis mo na. At ako nga pala si Via.”At inabot ni Via ang kamay niya.
“Ako naman pala si Gela.”
“Magkabigan na tayo ngayon ah? Halika sama ka sakin! Libre kita ng chuckie.”
Dahil sa pangyayaring yun, naging magkaibigan sila.
Matalik na magkaibigan.
*End of Flashback*
Pero bago makalabas si Via ng bahay nila ay nakasalubong niya si Miss Joyce.
Nandun ito sa sala at nakaharap na agad sa laptop niya.
“Good morning Miss Via. Saan po kayo pupunta? Hindi po ba kayo kakain?”
“Good morning din po. Magjojogging lang po ako. Mamaya na po, baka sabay nalang po kami ni Gela. Oo nga po pala, nandito po ba sila mama at papa sa Pilipinas?”
“Wala po Miss. Pero alam ko po, mamayang 9pm po maglalanding yung plane nila. So mga 10pm po nandito na po sila sa bahay. Bakit po?”
BINABASA MO ANG
The Incomplete Princess. (KathNiel)
Novela Juvenil“Naranasan mo na ba na walang pakialam sayo ang magulang mo tapos kung papakialaman ka man e yung mali mong nagawa? Kasi ako, oo. Sa pamilya namin, ako ang tinatawag nilang black sheep. Para sakanila kasi lahat ng ginagawa ko mali. Pero sa isang pan...