[Via’s POV]
Pumunta ako sa alam kong lugar na makakapaglabas ako ng totoong nararamdaman ko.
Ang lugar na pwede ko ipakita ang dating ako.
“Hi ate! Sorry kung ngayon nalang ulit ako nakadalaw sayo ha.” Bati ko sakanya kahit alam kong hindi siya sasagot.
“Alam mo ate, miss na miss na kita. *pinipigilan lumabas ang luha* Bakit mo kasi ako iniwan e.. wala na tuloy akong kakampi. *patak ng luha* Wala na rin akong kausap sa bahay, ang lungkot lungkot tuloy dun. ha-ha-ha! Minsan nga, ayaw ko ng umuwi dun kasi naaalala lang kita e.”
*Flashback*
“Ate! payagan mo na kasi akong umalis kahit ngayon lang!” sabi ko sa ate ko.
“Hindi nga pwede Via. Mapapagalitan ka na naman nila papa pag nahuli ka na naman.”
“Ok lang ate! sanay na ko, kaya nga ako naging Bad Girl Princess diba? kasi pasaway ako!”
“No! Dito ka lang!”
“But ate—”
“No more buts, hindi ka aalis ng bahay! Stay here in your room! And that’s final!”
“I hate you!”
“I love you sis.” at lumabas na si ate sa kwarto ko.
Si Lia Abigail Mercado o mas kilala bilang si Lia, siya ang the good daughter sa pamilyang ito at ang aking nag-iisang kapatid. Lagi niyang sinusunod ang magulang namin, responsable at maalaga na ate. Mahal na mahal ko to, kaso nakakainis kasi siya minsan kasi lagi akong pinagbabawalan.
Syempre papayag ba ko na magpatalo sa utos ng ate ko sa akin? syempre hindi no! Ako ata ang nag-iisang Bad Girl ng Philippines Scene. Tsaka wala akong pake kung magalit sila papa sakin, ok nga yun sanay na ko na laging yung mali lang yung napapansin sakin. Kung hindi nga ako na-new news, hindi nila ako mapapansin e. HAHAHA!
Binuksan ko yung door ng balcony sa kwarto ko, may puno kasing katabi to. Ginamit ko yung puno para makababa ako. Lagi ko tong ginagawa. hahaha!
Pagkababa ko, pumunta agad ako sa garahe at sumakay sa car ko. I know how to drive kaya no worries. Pumunta na ako sa bar kung nasaan yung mga friends na nakilala ko dati sa States.
Let’s get this party started!
[Third Person’s POV, still on flashback]
Ang hindi alam ni Via, nakita siya ng ate niya tumakas sa bahay nila.
Sumakay rin ito sa sasakyan nito at sinundan ito.
Walang kaalam alam na binabantayan pala siya ng ate niya.
Kitang kita nito kung paano ito uminom ng mga hard na drinks, like tequila.
Napanood din niya kung paano ito makipagsayawan sa hindi nitong mga kilalang lalaki.
Nang makita niya na hinahalikan na nung lalaki ang kapatid niya at hinahawakan ang mga parteng hindi dapat hawakan.. Lumapit agad ito at hinila ang kapatid niya palabas ng bar. Pumipiglas nga ito.
“Ano ba *hik hik* ate! KJ ka *hik hik* naman e!”
Hindi sumagot si Lia, at pinasok siya sa sasakyan nito. Ipapakuha nalang niya sa driver ang sasakyan ni Via dito.
“Ate naman! maki-join ka nalang sa party dun!*hik hik*”
“No. we’re going home. Nababastos ka na sa loob.”
“Sus. *hik hik* Sanay na ko dun no.” at tumawa si Via.
“Whatever Via, uuwi pa rin tayo!”
“KAINIS KA ATE!” Nainis na si Via kaya pilit niya iniikot ang manibela.
Habang nagtatalo, hindi nila napansin na may papasalubong palang truck sa harap nila kaya nabangga sila dito.
Agad naman sila tinulungan ng mga tao nasa tabi ng kalasada nun at sinugod sa hospital.
Ngunit, sa kinasamaang palad.. hindi kinaya ng ate niya.
Kumalat ito sa iba’t ibang news, nakidalamhati ang lahat sa pagkamatay ng nag-iisang Princess.
*End of Flashback*
[Via’s POV]
Naaalala ko lahat ng nangyari sa gabing iyon.
Kasalanan ko.
“Ate, sorry. *sob sob* Kung sinunod lang sana kita nung gabing yun na wag umalis edi sana hindi ka napahamak nun. I’m so sorry ate. Kasalanan ko talaga lahat to e. Sana ako nalang yung nawala kasi alam ko mas gugustuhin nila mama at papa na ikaw ang nandito. Ikaw kasi yung mabait at responsable, hindi katulad ko na pasaway at careless.*sob sob* I hate myself. I’m sorry… I’m sorry… I’m sorry..”
Hindi ko na mapigilan na mapahagulgol dito.
Ngayon nalang ulit kasi ako pumunta dito.
Nahihiya kasi ako magpakita kay ate dahil ako ang may kasalanan nito e.
“Sabi na nga ba, dito kita makikita e.”
What is he doing here?
Paano niya nalaman na nandito ako?
BINABASA MO ANG
The Incomplete Princess. (KathNiel)
Teen Fiction“Naranasan mo na ba na walang pakialam sayo ang magulang mo tapos kung papakialaman ka man e yung mali mong nagawa? Kasi ako, oo. Sa pamilya namin, ako ang tinatawag nilang black sheep. Para sakanila kasi lahat ng ginagawa ko mali. Pero sa isang pan...