chapter 1: SURPRISE

346 12 4
                                    

"Al, are you ok? kanina ka pa tahimik", tanong ni Jeanne kay Allison.

After few hours na biyahe ay nakarating din sila sa Tagaytay. Nasa kwarto sila ngayon at nagpapahinga. She can't blame Jeanne kung bakit nag-aalala ito sa kanya. Kilala kasi siya bilang pinakamadaldal at masayahin sa kanilang grupo.

"I'm okay, pagod lang ako", sabi na lang niya.

"If you need anything or someone to talked to, just call me nasa baba lang ako", tinapik pa nito ang balikat niya bago lumabas ng kwarto.

Nakatingin pa rin siya sa pinto na nilabasan nito,pabagsak siyang humiga ng kama. Ipinatong niya ang kanang kamay niya sa kanyang noo.

Mas lalo tuloy siyang na-guilty dahil sa nagyari, Jeanne has always been a good friend, kasama niya ito ng matanggap niya ang unang major project na binigay sa kanya at ganun din siya dito para sana sa project na ito.

Nakita niya kung paano pinaghirapan ni Jeanne na gawin ang story play na gagawin para sa film, kaya laking gulat niya ng basta na lang magpatawag ng emergency meeting ang board of directors ng kanilang corporation at ia-point siya bilang senior scriptwriter ng film, iyon daw ang gusto ng napiling director na galing pa ng Hollywood.

Tumingin siya kay Jeanne, nakayuko lang ito sa buong duration ng meeting and when she raised her head nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. She know how painful it was for her.

Allison tried to convince the board, but they decision is final and irrevocable. A week before isagawa  ang film ay may sudden big changes na mangyayari? 

"This is unfair!", she shouted.

Huli niya na ng marealize ang ginawa. Hinihintay niyang pagalitan siya pero walang nagsasalita kahit na sino. Anong nagyayari sa mga taong ito?

Umalis siya ng meeting. She will try all her best para malaman kung sino mang pontio pilatong direktor na iyon ang may kagagawan ng lahat ng kaguluhan sa kanila.

       

                                     

"I'm so sorry, Jeanne", sabi ni Allison habang nakatingin kay Jeanne. Nang matapos ang meeting ay diretso lamang itong bumalik ng desk nito na parang walang nangyari.

"Ayos lang ako, Al. Don't worry", mahinahon nitong sabi but she's not buying it. Kilala niya ito, magugunaw na lang ang mundo hindi pa rin ito magsasabi ng tunay na nararamdaman nito. "Isa pa, medyo nahihirapan nga akong buuin ang plot nung story. Siguro dapat talagang ibigay sayo ang project na ito".

"Alam ko kung gaano ka ka-dedicated sa project na ito, Jeanne. Hindi pwedeng basta mo na lang igi-give up ito,right? This might be your major break!".

"I know but i think this is not really meant for me", nakangiting sabi nito sa kanya. " I have to go, Al"

Hahabulin pa sana niya ito when someone texted her. It was from unknown number.

"Want to meet me? 8 pm Crimson Restaurant", she said as she read the message.

Allison got curious about the message. It was already 7:30 pm at hindi rin kalayuan ang nasabing building sa lugar nila. Inayos niya ang kanyang mga gamit at patakbong lumabas ng kanilang building.  Mahigpit niyang hawak ang susi ng kanyang kotse. Isang tao lang naman ang gusto niyang makita ng personal.

                                               

    

5 minutes early siya sa exact place na naka-indicate sa message. Wala pa ang katagpo niya kaya umupo muna siya sa isa sa mga silya roon. Paikot-ikot ang mga mata niya, para tuloy siyang teenager na makikipag-eyeball sa isang ka-textmate.

"Excuse me ma'am, but this table is already reserved for Mr. Ruzzel Blaine", sabi nung waiter kay Allison.

Nanlaki ang mga mata niya, hindi dahil sa pahayag nitong reserved na ang upuang ginagamit niya kundi dahil sa pangalang binanggit nito.

"Anong sabi mo?", nagmumukha tuloy siyang tanga dahil sa sinabi niya. Napatingin na kasi ang lahat sa direksyon niya. "Ulitin mo nga ang sinabi mong pangalan".

"Ruzzel Blaine", sabi ng tinig na nasa likod niya.

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib niya, it was 10 years ago nang huli niyang maramdaman iyon at iisang tao lang ang nakakagawa nun. Unti-unti siyang lumingon, hoping and praying na mali ang hinala niya.

Ngunit hindi ata nakiki-ayon ang tadhana sa kanya nang lingunin niya ang nagsalita.

"Nice to see you again, Allison Nuevas"

The moment that he say her name, she knows that she was doomed.

STORY OF US (1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon