“Arianne, please answer the phone”, sambit ni Allison. Kanina pa kasi niya dina-dial ang number nito.
At nang muli niya itong contact-in ay recorded voicemail pa rin nito ang kanyang naririnig. She hissed. Matagal niya na itong sinabihan about sa incoming premiere night ng kanilang pelikula at pumayag naman ito, kaya't laking pagtataka niya ng wala pa ito sa venue na pagdadarausan nila.
Nawala ang atensyon niya ng may kumatok at nagsalita sa labas.
“Ladies, hurry up. Magsisimula na ang palabas”.
Tumingin siya kay Jeanne na sa mga oras na iyon ay tapos ng makapag-ayos. She looks stunning, wearing a long backless flaming red gown. Lumilitaw tuloy ang mala-labanos nitong kaputian.
Ibang-iba na ngayon ang Jeanne na kaharap niya sa Jeanne na nakilala niya. It was all because of Lance.
Hindi pa rin niya alam ang real score sa dalawa dahil wala naman binabanggit ang mga ito but Jeanne can’t deny the sparkle in her eyes whenever she’s with Lance. She smiled at the thought, they really cute together.
Bumalik siya sa realidad ng tumunog ang kanyang cellphone. It was a call from Arianne. Thank God.
Tumango siya kay Jeanne, telling her na mauna na ito sa loob at may problema pa siyang dapat harapin. Nang makaalis na ito ay saka niya sinagot ang tawag.
“Arianne, where the hell are you now? Kanina pa kita hinihintay dito. Magsisimula na ang film. Makakaabot ka pa ba? Ano bang nang….”, hindi niya natapos ang sasabihin ng magsalita ito sa kabilang linya.
Tila umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo dahil sa sinabi nito. Napasigaw tuloy siya.
“What? Are you serious? No! pumunta ka dito. I need support here. You made a promise, Arianne. Don’t dare to break it. I will…”, hindi niya na natuloy ang mahabang lintanya niya dahil pinatayan siya nitong telepono.
She breathes deeply and counted one to ten to calm her nerves.
Kinakabahan talaga siya at pakiramdam niya ay anumang oras ay hihimatayin siya. She look at herself in the mirror. She’s wearing a white tube dress na halos lampas lang sa kanyang tuhod. She put her shawl around her neck.
She didn’t know why she feels this way that something might happen. If it’s good or bad, she had no any idea. Nilagay niya ang kanyang kamay sa tapat ng kanyang puso. Sobrang lakas ng tibok niyon
Ngayon na rin ang huli nilang pagkita ni Ruzzel, dahil pagkatapos ng gabing ito ay uuwi na ito sa Amerika. Hindi ba dapat masaya siya? Dahil ito na ang sandaling pinakahihintay niya?
Tapos na ang tatlong buwang kasama niya ito. Pero bakit nakakaramdam siya ng kirot na isipin pa lang na hindi niya na ito makikita pa? Was it because kahit anong gawing pag-iwas dito ay ang puso niya mismo ang kusang lumalapit dito?
Sa loob ng tatlong buwang iyon ay nakadarama siya ng kapayapaan tuwng kasama niya ito, ang mga mumunting gestures nito na tila laging may concern towards her.
BINABASA MO ANG
STORY OF US (1)
RomanceIisang lalaki lang ang minahal ni Allison and that man only caused her so much pain ng malaman niyang ginamit lang siya nito. She gave him the benefit of the doubt, hinintay niya ang paliwanag nito, pero imbes na kausapin siya ay nagtungo ito ng Ame...