chapter 8: UNEXPECTED

190 8 0
                                    

“Maganda ka na bakla kaya tumigil ka na sa kakatingin mo dyan sa salamin”, sabi ni Arianne kay Allison.

Heto kasi siya at tinitignan ang repleksyon sa side mirror ng kotse ni Jake, ang mayamang boyfriend ng friend niya. Minsan naiisip niya kung gaano ka-swerte si Arianne na biniyayaan ng gwapong boyfriend samantalang lagi itong kontra sa kanya.

“Bruha, maganda na ba talaga ako?”, nagpose pa siya sa harap nito.

She’s wearing a red cocktail dress with matching red shoes. Lady in red ang drama niya. Tonight was the premiere night ng play ni Ruzzel na gaganapin sa theater ng school nila.

“Oo, maganda ka na”, nagthumbs up pa ito. 

Kasama niya si Arianne na namili ng kanyang damit. Gusto nyang maging maganda sa harap ni Ruzzel kaya pinaghandaan niya ang gabing iyon.

“Pwede ba huwag ninyo akong inggitin sa kasweetan ninyo. Saksakin ko kayo ng heels ko eh”.

Pinakiusapan niya kasi si Arianne na samahan siyang manood ng play. May date pala ito at si Jake kaya heto at kasama niya ang dalawa na walang ginawa kundi maglambingan sa harap niya. Tinawanan lang siya ng mga ito.

“Kinakabahan ka lang. Teka, alam ba ni Ruzzel na pupunta ka? Bakit kailangang sa amin ka pa sumabay?”, tanong ni Arianne.

“Hindi dapat hinahayaan ng matinong boyfriend ang girlfriend niyang pumunta sa isang event na hindi ito kasama”, segunda naman ni Jake.

“Hindi lahat katulad mo, babe”, dagdag pa ni Arianne.

“Tigilan ninyo akong dalawa ah”, sabi niya sa mga ito. “Hindi alam ni Ruzzel na manonood ako. Ayaw niya kasi dahil nahihiya daw siya sa akin so ito isu-surprise ko siya”.

“Hala, ayaw pala nung tao na manood ka. Bakit gagawin mo pa rin?”

“Dahil nga gusto ko”, giit niya.

“Baka mag-away lang kayo pagpinilit mo ang gusto mo”, sabi ni Jake.

“Ang babaw naman non. Ano bang masama sa panonood ng play na gawa ng boyfriend ko? Hindi kami OA katulad ninyong dalawa na konting away lang tampuhan na agad”, sabi niya patungkol sa dalawa.

“Aba’t hindi kami ni Jake ang issue dito kundi ikaw neng”, sabat pa ni Arianne.

“Teka, huwag na kayong mag-away”, awat ni Jake sa kanila. “Ang mabuti pa’y umakyat na tayo sa loob”.

Pinauna niya ang dalawa. Nanatili siyang nakatayo malapit sa entrance ng theater. Pinag-awayan na nila ang kagustuhan niyang manuod ng play nito.

STORY OF US (1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon