compilation

182 5 0
                                    

PROLOGUE:

Mariing ipinikit ni Allison ang kanyang mga mata. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na napapayag siya ni Ruzzel na tanggapin ang inaalok nito. But she doesn't have a choice, does she? Their corporation wants the project so badly and Ruzzel is the man they needed for the project. Napabuntong hininga siya.

"Something's wrong?", it was Ruzzel. Magkatabi ngayon sila sa van na papunta sa Tagaytay, doon kasi ang setting ng pelikula and they will stay there for 3 months. Inismiran niya ito, as if hindi nito alam ang dahilan ng pinagsisintir niya.

Hindi siya umimik, wala siyang balak kausapin ito at sirain ang araw niya. It was almost 10 years ng huli silang magkita. Kung may nag-iba man dito, mas naging maganda lamang ang physical built nito. Hindi na rin siya nagtataka kung karamihan sa mga babaeng staff nila ay napapalingon dito. Ruzzel Blaine is a director from Hollywood, marami na itong pelikula na tumabo sa takilya.

"Kung inaantok ka ay pwede kang humilig sa balikat ko", sabi nito. "Medyo mahaba pa ang biyahe. I wouldn't mind".

"No, thanks", sabi niyang hindi pa rin humaharap dito.

"Look, I just want us to be friends again".

Doon na siya humarap dito. Umiinit ang kanyang ulo kapag naririnig ang boses nito. "We're not friends. As far as I can remember, you don't want me to be your friend". Ano ba ang gusto nitong palabasin? He used her.

Bahagya niyang nakita ang lungkot na dumaan sa mga mata nito, pero ilang saglit lang naging blangko na naman ang ekspresyon ng mukha nito.

"Bakit mo ito ginagawa? I'm not supposed to do this project ", sabi niya dito.

"The reason is simple, I just want to work with you".

Tinitigan niya ito, as if she can really read his mind. Ipinilig niya ang ulo. She just set her mind na 3 months niya lamang makakasama si Ruzzel. After that, babalik na rin ito ng America at magiging back to normal na ulit ang buhay niya. Sana nga....

CHAPTER 1:

"Al, are you ok? kanina ka pa tahimik", tanong ni Jeanne kay Allison.

After few hours na biyahe ay nakarating din sila sa Tagaytay. Nasa kwarto sila ngayon at nagpapahinga. She can't blame Jeanne kung bakit nag-aalala ito sa kanya. Kilala kasi siya bilang pinakamadaldal at masayahin sa kanilang grupo.

"I'm okay, pagod lang ako", sabi na lang niya.

"If you need anything or someone to talked to, just call me nasa baba lang ako", tinapik pa nito ang balikat niya bago lumabas ng kwarto.

Nakatingin pa rin siya sa pinto na nilabasan nito,pabagsak siyang humiga ng kama. Ipinatong niya ang kanang kamay niya sa kanyang noo.

Mas lalo tuloy siyang na-guilty dahil sa nagyari, Jeanne has always been a good friend, kasama niya ito ng matanggap niya ang unang major project na binigay sa kanya at ganun din siya dito para sana sa project na ito.

Nakita niya kung paano pinaghirapan ni Jeanne na gawin ang story play na gagawin para sa film, kaya laking gulat niya ng basta na lang magpatawag ng emergency meeting ang board of directors ng kanilang corporation at ia-point siya bilang senior scriptwriter ng film, iyon daw ang gusto ng napiling director na galing pa ng Hollywood.

Tumingin siya kay Jeanne, nakayuko lang ito sa buong duration ng meeting and when she raised her head nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. She know how painful it was for her.

Allison tried to convince the board, but they decision is final and irrevocable. A week before isagawa  ang film ay may sudden big changes na mangyayari? 

STORY OF US (1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon