UP NEXT: MATCH MADE IN HEAVEN....

135 5 0
                                    

Nakaupo si Jeanne sa bench malapit sa tinutuluyan nilang hotel sa Tagaytay. Hindi kasi siya makatulog. Pinagmamasdan niya ang Taal lake. Halos isang linggo na rin nila ginagawa ang pelikula at so far so good. Magaling talaga ang kanilang direktor.

She supposed to do the story play of the film pero unfortunately in the last minute binigay iyon kay Allison. She was not against Allison, kaya lang ay ito dapat ang major film na gagawin niya.

Actually, meron na siyang naihandang script para dito. Pinagpuyatan at pinagpaguran niyang gawin iyon, sayang lang at hindi niya na iyon magagamit pa. Tumayo siya upang pumasok na sa hotel.

"Hey", hinarap niya ang taong nagsalita. It was Lance.

"Bakit gising ka pa? hatinggabi na ah", she said.

"I should ask you the same question", tugon naman nito. “A lady like you ay hindi na dapat gumagala-gala ng ganitong oras except kung may kasama siya. Kahit sabihin mong secured pa rin ang lugar na ito".

Natawa siya sa pagkakanoot ng noo nito. Para kasing napaka-big deal ng ginawa niya.

"What’s funny?” takang tanong nito.

"Ikaw", sabay turo pa niya dito. "Para naman kasing may magkakainteres sa akin".

May pagka-chubby kasi siya at hindi biniyayaan ng katangkaran, Samantalang si Lance ang total opposite niya. Matangkad ito at maganda rin ang pangangatawan, dagdagan mo na gwapo rin ito.

 Mas gusto niya tuwing ngumingiti ito dahil sa lumilitaw ang mga dimples nito.

Nalusaw ang ngiti niya dahil sa titig nito.

"Of course, you're pretty", mariing pahayag nito.

Natigilan siya sa sinabi nito. No one ever called her pretty, except for her family and female friends.

"Ahm, kailangan ko ng bumalik sa kwarto, inaantok na ako", nawalan kasi siya ng dapat itugon sa sinabi nito. Napakalakas ng tibok ng puso niya. 

"Okay, ihahatid na kita".

Hanggang sa makarating sila sa hotel ay wala silang kibuan. Nakahiga na siya sa kama ng maalala niya ulit si Lance.

Una niya itong nakita na nakaupo sa damuhan malapit sa restaurant na pinagkainan nila. Pinapakain nito ang isang kuting.

Napangiti siya.

Chef ito sa naturang restaurant base na rin sa uniform na suot nito. At simula niyon ay naging close na sila. 

Pero ibang Lance ang nakilala niya ngayong gabi. Mariin siyang pumikit. Imposibleng magkagusto ito sa isang katulad niya. Pero teka, libre naman ang mangarap.

 When she closed her eyes, images of Lance flood her mind. Siguradong maganda ang panaginip niya.

STORY OF US (1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon