chapter 2: CARE

260 11 1
                                    

Nagising si Allison ng marinig niya ang sunud-sunod na katok. Bumangon siya at tinignan ang orasan na nasa side table ng kanyang kama. It’s already 8 o'clock in the evening, halos 6 na oras din pala siyang nakatulog.

Ang pinakahuling taong gusto niyang makita ang nasa harap niya ngayon ng buksan niya ang pinto at nakakunot ang noo nitong nakatingin sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay at humalukipkip. 

"Anong kailangan mo?”, asik niya rito.

"Bakit hindi ka bumaba para kumain? Ganyan ba katindi ang galit mo sa akin at pati ang sarili mo pinapahirapan mo?", halata ang galit sa tono nito.

"Huwag kang umaktong concerned. Hindi bagay", she said then slammed the door. Wala siyang pakialam kung lumabas man siyang bastos. Hinintay niyang muli pagkatok nito pero wala na siyang narinig.

Maya-maya ay nakarinig na naman siya ng mga katok, hindi niya sana ito pagbubuksan sa pag-aakalang si Ruzzel na naman iyon. Ng magsalita ang tao sa labas.

"Al, si Jeanne ito".

Dali-dali niyang pinagbuksan si Jeanne. Tulak-tulak nito ang isang pushcart na puno ng pagkain. Agad niya itong pinapasok.

"Sorry Al. Hindi na kita ginising dahil alam kong pagod ka sa biyahe kaya't inakyat ko na lang dito ang pagkain mo sakaling gising ka na".

Biglang kumulo ang tiyan niya. Naalala niyang tinapay pa lang ang nakain niya. Unti-unti niyang kinain ang pagkaing nasa harap niya.

“Salamat, Jeanne”, sabi niya pagkatapos kumain.

“Walang anuman. Nga pala gusto kang makausap ni direk sa opisina niya. As soon na matapos kang kumain at makapag-ayos”.

“Sige”, tipid siyang ngumiti. Kahit gaano pa kalaki ang galit niya kay Ruzzel ay hindi dapat madamay ang mga taong nasa paligid nila.

“Come in”, boses iyon na nanggaling sa loob ng suit pagkatapos niyang kumatok. Nasa penthouse ng hotel ang opisina nito.

Agad naman siyang pumasok. Okupado nito ang buong floor. Nakita niya si Ruzzel na nakatayo at nakadungaw sa bintana, overlooking doon ang Taal Lake.

“Pinapapunta mo raw ako dito”, sabi niya sa malamig na tinig.

“Yes, I need your manuscript tomorrow. Can you do it?”, sabi nito pero hindi nakatingin sa kanya. May hawak itong isang bote ng alak.

“Yes, iyon lang ba?”

“Every taping na gagawin natin ay dapat nandoon ka”.

“Okay"

And then there is silence.

STORY OF US (1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon