chapter 3: COMEBACK

242 10 0
                                    

Pinagmamasdan ni Allison ang unti-unting pagkain ng lupa sa pulang bola habang mabilis na kumakalat ang dilim.

Nawala ang atensyon niya sa magandang tanawin ng marinig ang galit na boses ni Ruzzel.

“What?”, sigaw ni Ruzzel sa kabilang linya.

It is their 3rd day taping. As of now, naka-apat na scenes na sila. Pagkatapos nitong sagutin ang phone call ay tinawag nito ang atensyon ng lahat.

“Guys, there would be some little adjustments in our schedule. Estelle can’t make it today so her scenes with Bryan will be postpone in Saturday. We will take scene 7 first. Get ready in 10 minutes!”

Hindi na siya nagulat sa sinabi ni Ruzzel. Nakatrabaho niya na si Estelle sa isang soap opera sa isang kilalang istasyon sa telebisyon. Siya rin ang tumatayong senior scripwriter noon.

Si Estelle ay baguhan lamang sa mundo ng pag-aartista though anak siya ng mag-asawang Chua na pinakasikat na loveteam noong kapanahunan nila, kaya si Estelle ang promising teen actress ngayon, sold-out ang movies and concerts nito, local man o abroad.

Pero hindi nakikita ng mga tao ang totoong ugali nito pag-off cam. Napaka-unprofessional nito kung magtrabaho. At ngayon pala ay ito ang napili sa female lead role ng film nila.

“Miss Allison, yung script ko po?”, sabi ng batang lalaki sa harap niya. Nakalahad pa ang mga kamay nito.

Lumuhod siya para magkasing taas sila. Tuwang-tuwa siya sa batang ito. Napakabibo at matalas ng magsalita kahit 3 years old palang. Actually ay wala naman talaga itong script dahil ang trabaho lang nito ay maging cute sa harap ng camera.

Ilang beses na nitong tinanong iyon sa kanya at ang lagi niyang nakagawian na isagot dito ay isang power hug. Sabay kiliti dito. Napuno tuloy ang set ng halakhak nilang dalawa.

Nawala tuloy ang stress nang lahat na kagagawan ni Estelle. Naputol lang ito nang magsalita si Ruzzel.

“Stop it. Magsisimula na tayo in 10 seconds. Camera stands by”.

Pinakawalan niya na si Joshua, pinahid niya rin ang luha sa mga mata nito dahil sa kakatawa.

“Break a leg, Josh”, sabi niya.

Ngiti lang ang naging sagot nito at bumalik na sa harap ng camera.

“Get ready, 3...2...1...action!”, sabi ni Ruzzel.

And with that nagsimula nang gumiling ang camera.

It was past ten nang matapos sila sa mga gawain nila. Nag-aayos na sana siya ng higaan nang maka-receive ng text message from Ruzzel.

Pinapapunta siya nito sa opisina dahil may mga babaguhin sa script na ginawa niya.

STORY OF US (1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon