chapter 5: FEAR

221 9 0
                                    

“Ruzzel”, tawag ni Allison sa binatang nakasandal sa puno. May mga earphones na nakapasak sa mga tenga nito.

 

They were in their 1st year in college. Mayroon silang mga lugar na pupuntahan at magsusulat ng kanilang mga insights and experiences sa naturang lugar. And for this semester ay nasa Tagaytay sila.

 

Their tour will last for 3 days and 2 nights. At iyon na ang huli nilang araw doon at pansin niyang wala man lang activities na sinasalihan nito. Nakatayo lang ito sa isang gilid at pinagmamasdan ang lugar. Paano ito makakapagsulat kung nakatayo lang ito at walang ginagawa?

 

Siya na ang lumapit dito. Tinanggal niya ang earphones at sinalubong ng ngiti ang nakakunot na noo nitong tumingin sa kanya.

 

“Allison”, sambit nito sa pangalan niya. Bahagyang nawala ang nakikita niyang inis nito.

 

Mas lalong lumawak ang ngiti niya. Secret crush niya si Ruzzel. Tahimik, matangkad at maputi ito, perfect for her ideal man at ang tanging nakakaalam ng sikretong iyon ay ang kanyang high school best friend na si Arianne.

 

Suplado din ito pero pakiramdam niya ay magaan ang loob nito sa kanya dahil hindi siya nito sinusingitan, sa lahat ng babaeng may gusto dito ay sa kanya lang ito lumalapit at hindi nito nakalimutan ang pangalan niya!

 

Kaya naman pakiramdam niya ay may gusto din ito sa kanya. Tuwing kinu-kwento niya kay Arianne ang everyday damoves niya para lang mapansin nito ay tinatawanan lang siya nito at sinasabing assumera siya.

 

“Bakit nandito ka lang? Why don’t you try their sports-related activities?”, tanong niya dito.

 

“I’m not into sports”, sagot naman nito.

 

“Ah”, iyon lang ang nasabi niya. May bago na naman siyang nalaman tungkol dito. “Congratulations nga pala dahil napili ang piece mo para sa play ng school. Meaning ikaw din ang magiging director nun?”

 

“Yes”, mahina nitong sabi. Bahagya itong nawalan ng imik.

 

“Halika”, yaya niya dito. “Sakay tayo ng kabayo. Marunong akong maghorse-back riding. Tuturuan kita”.

 

Hinawakan niya ang braso nito pero inalis nito iyon at pinagsalikop ang kamay nila.

 

“Saan ba?”, tanong nito.

 

Nang mga sandaling iyon ay wala siyang gustong gawin kundi ang tumili at magpagulong-gulong dahil sa sobrang saya at kilig. Pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya dahil sa lakas ng tibok niyon.

 

But then she reminds herself to behave dahil baka maturn-off ito sa kanya. Kaya naman sobra ang pagpipigil niya sa sarili habang papunta sa kuwadra.

STORY OF US (1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon