chapter 9: CONFUSION

177 9 0
                                    

“Cut!”, sigaw ni Ruzzel.

That was their last scene in the film at sa wakas ay natapos din sila. Nagpapack-up na ang kanilang crew ng magsalita si Ruzzel.

“Guys, since ngayon na ang last taping natin ay napagpasyahan kong i-treat ang lahat. Nagpa-prepare ako ng bonfire near the lake. Bilisan nyo ang pag-aayos at magkita-kita tayo doon within hour”.

Nagpalakpakan ang lahat. Basta’t libre ay go na go ang mga kaibigan niya. Napatigil si Allison sa kanyang ginagawa ng magtagpo ang mga mata nila ni Ruzzel. Agad siyang umiwas ng tingin.

She was so confused. Bakit parang may hindi tama?  Bakit hindi siya masaya na matatapos na ang lahat ng ito? Bakit parang nanghihinayang siya na hindi niya na ito muling makikita? Ipinilig niya ang ulo.

Nagulat siya ng papunta ito sa direksyon niya.

“Pwede ba kitang maka-usap?”, he pleaded.

"O-oo naman"

"Salamat dahil tinapos mo ang project", nakangiti ito pero hindi umabot sa mga mata nito.

Pagkatapos ng nangyaring aksidente sa kanila ay ngayon lang ito lumapit at kinausap siya. Hindi rin siya nito binisita habang nagpapagaling pa siya. Regarding kasi sa trabaho nila ay si Jeanne na ang kinakausap nito..

“Nakapagbitaw ako ng pangako kaya dapat ko iyong tuparin. Besides wala naman ng dahilan para hindi ko gawin ito”, sabi niya at binuhat ang karton para mailagay na sa likod ng van nila.

“Ako na”, kinuha nito mula sa kanya ang kahon.

“Thanks”.

Nang maayos nitong nailagay sa van ang mga gamit ay muli itong lumingon sa kanya.

“Pupunta ka mamaya?”

"Uhmmmm", hindi agad siya nakasagot dahil ang totoo ay wala siyang balak pumunta sa in-organize nitong party.

Naramdaman niya ang mahinang tapik sa kanyang balikat. Nang lingunin niya ito ay nakita niya si Lance. Agad siyang nakakita ng rason upang hindi na sagutin si Ruzzel.

“Mind kung hiramin ko muna si Allison?”, paki-usap nito.

“Yes”

“No”

Sabay nilang banggit.

“Tapos na kaming mag-usap”, she said. At bago pa uli makapagprotesta si Ruzzel ay hinila niya na si Lance palayo rito.

Iginiya siya ni Lance sa lugar kung saan walang sinuman ang makakarinig sa kanilang pag-uusapan. Napangiti siya ng malaman ang pakay nito.

Sinagot naman niya ng buong giliw ang mga tanong nito. She hopes na makatulong siya kay Lance. After all, nakasalalay dito ang kaligayahan ng friend niya.

“Hindi ako pupunta doon, hindi ako pupunta doon,hindi ako pupunta doon ”.

Nakadungaw si Allison ngayon sa bintana at tanaw niya ang mga nagkakasiyahan niyang mga kaibigan at kanina niya pa Inuulit-ulit ang sinasabi niya.

Nagkakantahan at nagsasayawan ang mga ito. Wala naman talaga siyang balak pumunta doon dahil hindi rin naman niya kasama si Jeanne. May pinuntahan kasing importanteng bagay ito.

Akma na siyang hihiga ng makarinig siya ng mga katok sa labas. Sa pag-aakalang si Jeanne iyon ay agad niyang binuksan ang pinto.

“Sinasabi ko na nga ba’t hindi ka talaga pupunta”, sabi ni Ruzzel. Halata sa boses nito ang lungkot.

"Ano kasi..." she stammered.

Naramdaman niya na lang na yinakap siya nito. Itutulak niya sana ito kung hindi lang ito nagsalita.

"Let’s just stay this for a while, Allison".

Hindi na siya nagprotesta pa. Naramdaman niya ang mainit na hininga nito sa kanyang tenga at ganun din ang malakas na tibok ng puso nito. Siguradong nariring din nito ang kabog na dibdib niya.

 "Babalik na ako ng America bukas. Patatapusin ko lang ang premiere night. At hindi na rin siguro ako babalik pa rito. Thank you for the memories. Hindi ko malilimutan ang tatlong buwan kong pamamalagi dito".

Nagpanic siya ng unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya. She closed her eyes.

Naramdaman niya ang pagdampi ng labi nito sa kanyang noo. He kissed her on the forehead.

“I miss you so much”, bulong nito sapat lang na marinig niya.

Pagkatapos niyon ay unti-unting lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya. Tinignan niya ito sa mga mata. Nakikita niya sa mga mata nito ang sinasabi nito.

Sasaktan ka lang uli niya! huwag kang magpapadala!, sigaw ng isip niya.

Masyado siyang nasaktan dahil sa pag-alis nito, ngayong nakabangon na siya ay saka ito magpapakita at guguluhin ang mundong nakasanayan niya na? Tama na ang ilang taong pag-iyak niya at pangungulila dito.

“Tama na Ruzzel, please", pinigilan niya ang pagtulo ng kanyang luha. Hindi na siya iiyak para dito. Gulung-gulo na ang isip niya. Hindi niya na alam ang dapat niyang gawin.

“Tell me you don’t love me”, sabi nito. 

Tinitigan niya ito.

“Hindi na kita mahal”, parang may bumikig sa lalamunan niya ng sinabi ang mga salitang iyon.

Nakita niya ang hinanakit sa mga mata nito. Tumalikod ito at lumabas ng kanyang kwarto. Dahan-dahan din nitong isinara ang kanyang pinto.

Naririnig niya ang hiyawan at halakhakan ng mga kasama niya samantalang siya ay puro delubyo ang nararamdaman. Dumadausdos siya hanggang sumalampak siya sa sahig. There in the cold floor, she cried her heart out.

STORY OF US (1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon