Hi, hiiii. This is Bleusindawn. You can call me ate Bleu or ate D. Pang ilang attempt ko na ba tong story? I cannot count. I always wanted to finish even one story kaso ang bilis kong dapuan ng writer’s block. Hoping I would finish this one. I’ll just make this a short one (?) for me to finish it. I hope you would like it!
This story is a work of fiction. Lahat ay galing sa utak ng writer at wala nang iba. Happy reading!
Panimula
“Hoy, Jaja, may i-rereto ako sayo.”
“Jaja, may gustong mag-pakilala sayo. ”
“Jaaaa! Kilala mo ba iyong taga marketing department? Feeling ko bagay kayo.”
“What if makipag blind date ka?”
Ilan lamang yan sa mga katagang pauli-ulit na naririnig ni Jaja. Rinding-rindi na siya sa mga salitang iyon. Kung pwede lang ay tinanggal na niya ang tenga niya at itinapon sa napakalayong lugar para hindi marinig ang mga iyon.
Wala siyang magawa kundi sabihin ang mga katagang,
“Ayoko nga! Never akong mag-kakagusto sa tao, okay? Tigilan niyo na ako.”
“No.”
“Hindi ako nagkakagusto sa tao.”
“Hindi nga ako nagkakagusto sa tao!”
“Mas pipiliin ko pang makapag-asawa ng alien kesa sa tao.”
Kahit anong gawin niya. Kahit magkunwari siya ay hindi niya talaga kayang magka-gusto sa tao romantically. Marami naman siyang nagugustuhan pero as friends lang talaga. She can't force herself to like someone kasi kahit anong pilit niya ay hindi niya talaga kaya. Hindi naman siya nabasted. Sadyang ayaw niya lang.
Ilang beses nang may ipinakilala ang kaniyang mama at pati mga kaibigan niya ngunit tinatakasan niya lang ito o di kaya ay sinusungitan. Naiisip pa ng mama nito na baka lesbian siya ngunit kinukumpirma ni Jaja na hindi siya nagkakagusto sa mga babae. Gusto lang nito mamuhay ng payapa nang hindi namomroblema sa pag-ibig.
Talaga nga bang hindi iibig ang isang Jaizha Madrigal o bigla siyang matatamaan ng ligaw na pana ni kupido? Tunghayan natin kung sasalubungin ba ito ni Jaja o iilagan...
BINABASA MO ANG
When Love Hits You
Romance"Never nga akong mag-kakagusto sa tao!" iyan ang laging linyahan ni Jaizha Madrigal o mas kilala sa tawag na Jaja. Sa lahat ng mga nakasalamuha niyang tao, babae man o lalake, lesbian man o gay ay wala siyang interes. Ngunit isang araw nakilala niya...