Chapter 10

2 0 0
                                    

Jaja's POV

We are on our way now papunta sa bahay nila Klen. Sabi niya 30 minutes lang daw ang byahe pero natagalan kami dahil sa heavy traffic. Hindi naman sana rush hour pero rumaragasa pa rin ang mga sasakyan. If hindi pa kumuha ng apartment si Klen, ganitong scenario ang kahaharapin niya every school days.

I felt something sa mukha ko kaya napatingin ako kay Klen. He was wiping my forehead with his handkerchief. “Pinagpapawisan ka.” matapos niyang punasan ang pawis ko ay kumuha ito ng pamaypay sa bag nito at pinaypayan ako.

Napatingin ako sa mga kasama namin sa sasakyan at bigla akong nahiya nang makitang nakatingin ito sa amin. “It’s fine, Klen. Ako na.” mabilis kong kinuha sa kaniya ang pamaypay at marahas iyong pinaypay sa sarili ko baka sakaling maalis niyon ang hiya na nararamdaman ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Klen kaya mahina ko siyang siniko.

“Mainit nga talaga kasi ang pula pula ng mukha mo.” bulong nito sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa ginagawa. I’m also making sure na nahahanginan siya sa pamaypay na hawak ko kasi kawawa naman. Siksikan kasi rito sa sinasakyan namin kaya mas lalong uminit.

Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay nakababa kami sa sasakyan. Napakainit kasi talaga dahil sa siksikan. “halika, ga, sasakay pa tayo ng tricycle.” hindi ko alam na nakapara na pala ito agad ng masasakyan naming tricycle.

Ilang distansiya na lang ang layo namin sa bahay nila kaya bigla akong kinabahan. This is my first time na pupunta sa lugar ng ka relasyon ko kasi first time ko rin namang magka bf. I never experienced any of this and I'm afraid na mag-iwan ako sa kanila ng bad image.

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang huminto na ang tricycle at bumaba si Klen. “We’re here, ga. Wala ka bang planong bumaba?” tumawa ito.

“Uwi na lang kaya ako?”

“Ano ka ba. Nandito na tayo.” nag abot siya ng bayad sa driver ng tricycle at nagpasalamat doon. “Gusto ka ring makita ni mama.”

Wala akong nagawa kung hindi ay magpahila sa kaniya papasok sa loob. Gaya ng bahay namin ay mayroon din pala silang tindahan. Malaki nga ito. Sinalubong kami ng  isang ginang. Pakiramdam ko ay ito ang mama ni Klen. She smiled at us. “Mabuti’t nakarating kayo. Pasok, pasok.”

“Happy birthday, ma. Ito nga po pala si Jaizha, girlfriend ko.”

Agad akong nagmano nang humarap sa akin ang mama ni Klen. “Happy birthday po. Para sa inyo po.” inabot ko ang dala kong regalo.

“Naku! Naku! Nag-abala ka pa. Salamat, anak. Ang ganda mo naman talagang bata, buti at pinatulan mo itong anak ko?”

“Ma naman!” pag-angal ni Klen nang marinig ang sinabi ng ina.

“Mabait po kasi,” sabi ko habang tumatawa.

“Wow ha? Gwapo rin po ako.”

Hindi pinansin ng ginang ang sinabi nito at hinila ako papasok. “Nagugutom ka na ba, nak? Hindi pa tapos ang ibang putahe pero may mga naluto na.”

Nawala ang kabang naramdaman ko dahil sa malumanay na boses ni tita. Kung siguro'y marinig ito ng batang umiiyak ay agad na kakalma ang batang iyon. It is very calming.

“Okay lang po, tita, hindi pa naman po ako gutom. Sasabay lang po ako kay Klen.”

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni tita. “Naku! Naku! Tignan mo iyang nobyo mo napaka sungit kung tumingin. Akala yata niya ay aagawin kita mula sa kaniya.”

Nilingon ko ang direksyon kung nasaan si Klen at naroon pa rin siya sa may pinto at hindi maipaliwanag ang mukha. Para tuloy siyang inaway ng mga kalaro niya. “Pupuntahan ko po muna.” pagpapaalam ko kay tita.

When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon