Chapter 8

3 1 0
                                    

Jaja’s POV

Bumaba ako sa tricycle at dumungaw sa loob kung nasaan si Paolo. “Ingat ka pauwi.” pumihit ako patalikod para pumasok na sa gate nang biglang makasalubong ko si Klendred. Nginitian ko ito ngunit ang loko ay nilagpasan lang ako. Nagtataka akong napalingon sa direksiyon na pinuntahan niya. Saan ba ‘yon tutungo?

Imbes na pumasok sa gate ay sinundan ko si Klendred. “Klendred!” tawag ko rito ngunit hindi ito lumilingon. Sa laki ng hakbang ng mga paa niya ay kailangan ko pang tumakbo para maabutan siya.

Nang sa wakas ay maabutan ko ito ay hinawakan ko siya sa braso para matigil siya sa paglalakad. “Huy, Klen, may problema ba?” tanong ko sa kaniya nang hindi pa rin ito kumibo. Imbes na sagutin ako ay umiling lang ito.

Duda talaga ako sa pailing-iling na yan. Sumasagot naman siya agad kapag tinatanong siya.

“Umuwi ka na, gabi na. May pupuntahan pa ako,” malamig nitong tugon at nagpatuloy sa paglalakad. May nagawa ba ako? Bakit naging ganto ‘to?

“Huy, Dred, ano ba?” sinundan ko pa rin ito. Kahit masakit ang paa ko dahil sa kakalakad kanina ay tinakbo ko ang distansiya namin. Bakit ba kasi ang bilis maglakad nito.

Bigla akong natisod kakasunod sa kaniya. May bato yata akong naapakan na hindi ko namalayan. Dahil sa katangahan ko, nahulog ang dala kong bag at nagkalat pa sa kalsada ang laman non. Bakit ba itong tote bag ang ginamit ko?

“Sabi nang umuwi na kasi e. Ang tigas ng ulo.” bumalik si Klen sa kinaroroonan ko at ito na mismo ang pumulot ng mga gamit ko. Natigil ito sa pagpupulot at hinawakan ang parte ng tuhod ko. “Nasugatan ka pa tuloy.”

“Oh, bakit ka nagagalit? Hindi ka naman inaano riyan.” tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Nagpatuloy naman ito sa pagpupulot ng gamit ko, hindi man lang pinansin ang sinabi ko. Kapag ako talaga nainis sinasabi ko.

Kukunin ko sana ang bag ko sa kaniya ngunit inilayo niya ito sa akin. “Tsk.” rinig kong react nito.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinasama sa kaniya. Isasama rin naman pala ako e, nagagalit pa. Hindi ko naman siya inaway kanina ah bakit bigla siyang nagalit?

“Galit ka ba?” tanong ko.

“Hindi.”

“E bakit ganiyan ka?”

“Gutom ako,” parang nawawalan nang pasensiyang sagot nito.

“E, kahit gutom ka naman hindi mo ako ginaganiyan ah?”

Tumitigil ito sa paglakad at bumuntong-hininga bago humarap sa akin. “Sorry. Samahan mo na lang akong kumain.” ngayon ay malumanay ang kaniyang boses.

Hawak-hawak pa rin nito ang kamay ko habang naglalakad. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, basta na lang ako nagpahila sa kaniya. Huminto kami sa tapat ng 7/11, pinaupo niya ako sa upuan at siya na ang pumasok sa loob. Gusto ko matawa sa porma nito. Napaka-seryoso ng mukha, nakapajama at hoodie pa habang dala-dala ang pink kong tote bag. Baka magalit lang ito lalo pag tawanan ko. Wala pa naman siya sa mood. Paglabas nito ay may dala na itong pagkain.

Inilapag niya sa mesa ang dalang supot pati na rin ang bag ko at umalis ulit. Pagbalik nito ay may dala itong maliit na supot. Lumuhod siya sa harapan ko at sinuri ang sugat ko. Kung sana’y hindi ako nag palda edi sana wala akong sugat ngayon.

Sinimulan niya iyong linisan nang hindi man lang nag-sasalita. Sa totoo lang ay hindi ako sanay na ganito siya. Lagi kasi itong nakangiti sa harap ko. Nakatawa. Pero ngayon, ang sungit ng mukha. Dinaig pa ang kasungitan ko.  Napagalaw ako dahil sa hapdi na naramdaman. Dahil doon ay tumigil siya sandali sa ginagawa at hinipan ang sugat ko. Matapos ang paglinis ay nilagyan niya na iyon band aid.

When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon