Chapter 4

11 4 0
                                    

Jaja’s POV

Hindi ko talaga alam kung wala ba akong emosyon o sadyang may mali lang talaga sa akin. Hindi ko naman makumpirma ang nauna kasi nasasaktan naman ako, umiiyak, sumasaya, tumatawa, nagagalit. Ang ipinagtataka ko lang  ay bakit hindi ako nagkakagusto sa tao.

Naalala ko pa iyong mga kalaro ko dati ay crush ang bukambibig samantalang ako, namomroblema kung paano ko babawiin ang mga natalo kong pogs sa kalaban. Hanggang sa nag elementary ako, highschool, ay wala talaga akong naging crush na totoong tao. Kinikilig naman ako sa mga nababasa ko sa libro. Pero kahit ako ay nagtataka kung bakit hindi ako nagkakagusto sa tao.

Kung kani-kanino na nga ako pinapakilala ng mga kaibigan ko. I even forced myself to like someone but it didn’t work out. Tanggap ko nang tatanda akong mag-isa, walang asawa. I’ll just adopt a child na lang siguro para maranasan ko namang maging magulang. I’m amazed of how my mom raised me and I also want to raise a child.

Sabado ngayon, wala kaming pasok. Nakabantay ako sa tindahan dahil ganito naman talaga ang role ko sa bahay. It's a privilege for me kasi nakakakuha ako ng snack anytime I want. Hindi rin naman nagagalit si mama. But I am limiting myself ha. Baka akala niyo ay inaabuso ko ang kabaitan ng mama ko.

Sa tapat ng tindahan ay may mga batang nag-lalaro. Anak ito ng mga boarders namin. Dahil sa laki ng pwesto sa loob ay pwede talaga silang maglaro rito at mag-habulan. Wala namang umaangal na ibang boarders kasi mostly talaga ay magpamilya, may mga anak.

“Ate Ja, pabili cold water.” tumayo ako para kumuha ng cold water sa ref. Inabot ko iyon sa bata at kinuha ang bayad nito. Nakita ko itong tumakbo pabalik sa mga kalaro at ishinare ang tubig sa kalaro.

Ganiyan din ako dati pero ako dapat maunang uminom kasi ayokong makipagsalo ng laway. Maarte na talaga ako since birth. Napaka laway conscious.

Biglang sumulpot sa harap ko si Klendred. Kahit may harang ay napaatras ako dahil sa gulat. Bigla itong natawa dahil sa inasta ko.

“Moby nga, yung caramel.”

Hinablot ko iyong binibili niya at inabot sa kaniya. Nang maibalik ko ang sukli sa bayad niya ay umupo siya sa gilid ng tindahan. May semento kasi roon na pwedeng upuan. Para sa mga gustong tumambay na bibili. Pinanood din nito ang mga batang nag-lalaro.

May biglang lumapit na bata sa kaniya at nanghingi ng kinakain niya. “Ayoko nga. Bili kang sayo,” pang aasar nito sa bata. Aalis na sana ang bata nang tinawag niya ito at binigyan ng pera. Loko talaga.

Imbes ba bumili ang bata ay niyaya nito ang mga kalaro na pumunta sa computer shop. Natawa ako dahil hindi maipinta ang mukha ni Klendred habang nakatanaw sa mga batang tumatakbo palayo.

“Binigyan ng pera para bumili ng pagkain, ipang cocomputer lang naman pala. Sana binili ko na lang yon ng pagkain.” bumalik ito sa harap ng tindahan. “Isang moby pa nga, yung choco naman, tapos isang sprite.”

Napaka childish naman ng pagkain nito.

Nang makuha ang binili ay bumalik ulit ito sa inuupuan kanina.

I was busy scrolling my phone nang bigla itong magsalita. “Wala naman tayong assignment and other task ‘no?” tanong nito.

Umiling ako. “Wala.”

“Hayst makakatulog pala ako nang maayos. Thanks pala sa pag-titinda. Uwi na ako.” itinapon nito ang pinag-kainang basura sa gilid. May basurahan kasi ron. “Itong bote ba?” tukoy nito sa sprite na ininom.

“Lagay mo lang diyan sa gilid.”

Napailing ako nang makaalis ito. Makapagsabi ng “uwi na ako” ay parang napakalayo ng bahay e andiyan lang naman sa tabi. Tsaka ano raw? Salamat sa pagtitinda? Kaya minsan di ako naniniwalang matalino siya dahil sa mga asta niya e. Aba. Ewan!

When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon