Jaja’s POV
Papalabas ako ng bahay namin nang makasalubong ko iyong bagong lipat na lalake. Ngumiti ito nang makita ako at kumaway. “Magandang umaga, suwit.” napakunot ang noo ko sa sinabi nito. Ano raw? Suwit? Ano yon?
“Kanina maganda pa umaga ko e kaso bigla kitang nakita. Pumangit.” nilampasan ko siya at naglakad papalabas. Naramdaman ko ang pag-sunod nito at sinabayan ang paglakad ko.
“Buti naman kung ganoon.”
Inis akong napalingon sa kaniya. Trip talaga akong inisin nitong lalakeng to ano? “Huwag mo akong umpisahan kung ayaw mong pumasok na may baling buto.” huminto ako nang makalabas sa gate para mag-abang ng tricycle. Huminto rin ito.
“Grabe ang aga aga, suwit, pananakit na nasa isip mo. You should think positive.” nakakuyom pa ang kamao nitong itinapat sa akin na parang may ipinaglalaban. Aba ewan ko. Pumapangit lang lalo ang araw ko habang tumatagal ang pag-uusap namin.
“Nakakapag-isip talaga ako ng ganito lalo na’t ikaw ang kausap ko. Deserve mo e. Tsaka pwede ba? Tantanan mo na yang kaka-suwit mo? My name is not suwit!”
“Ay, akala ko suwit. Sungit mo kasi.”
So suwit is masungit? Is that a word from other dialect? Inirapan ko ito at hindi na sumagot pa. Masasayang lang ang laway ko kapag kinausap ko pa itong palakang to. Oo, palaka kasi napakaingay. May humintong tricycle sa harap namin kaya sumakay ako sa harap. Nagulat ako nang bigla rin itong sumakay at tumabi sa akin.
“Ano ba! Doon ka nga sa likod.”
Nilingon niya ang likod at umiling. “Ayoko. Puno e. Alangan namang ipagsiksikan ko pa sarili ko.” wala na akong nagawa kundi hayaan na lang. Alangan namang paalisin ko pa siya edi ako pa mapapagalitan ni manong driver.
Dahil sa lapit namin, naamoy ko ang suot nitong pabango. Gaya ito ng amoy ng apartment niya. Ganito pa talaga halos pabango ng mga lalake? Masiyadong matapang?
“Mabaho ba ako?” biglang tanong nito na nakatingin sa akin mula sa salamin na nasa itaas sa harap namin. Inamoy pa nito ang sarili. “Ang pangit kasi ng timpla ng mukha mo.”
“Oo, sobra.”
Napangiwi ito. Bigla nitong kinalikot ang bag at may hinanap doon. Bakit ko ba pinapakealaman ang kilos niya e dapat wala akong pake sa kaniya. Sa lapit naman kasi namin ay nakikita ko ang ginagawa niya. May inilabas siyang bote ng perfume na kulay itim. Mukhang mamahalin dahil sa disenyo niyo. Nag-spray siya ng tatlong beses at ibinalik ulit sa bag niya. Pumasok pa sa ilong ko ang amoy ngunit ang kakaiba ay hindi ito kaya ng mga naamoy kong pabango ng mga lalake. Hindi siya masakit sa ilong.
“Ayan, mabango na ba?” tanong nito ngunit hindi ko sinagot. Ayoko nang mag-aksaya pa ng salita kung sa kaniya ko lang din naman gagamitin.
Salamat naman at narating na namin ang school. Makakalayo na ako sa palakang to. Inunahan ko na siya ng lakad nang makababa ako ng tricycle. Akala ko ay hindi na ito sasabay ngunit nasa tabi ko na siya ngayon. Lintik naman talaga. Kailan ba to titigil?
“Sabay na lang tayo, classmates naman tayo e.”
“Hindi ka irreg?” natanong ko bigla.
“Hindi.” tumango na lang ako at nanatili sa paglakad. Akala ko irregular student siya kasi nung isang araw ko oa lang naman siya nakita. Naalala kong transferee pala siya.
Bakit ba ang layo ng room namin kung pwede namang dito na lang sa first floor tutal first year din naman kami. Porke ba freshmen papahirapan na ng ganito?
“Uy, Ja. Good morning.” bumungad sa harap ko si Paolo may dutchmille na naman ito sa kamay niya. Kailan pa siya magsasawa riyan. “Aga mo ah? Fourth floor?” sumabay ito ng lakad sa akin nang tumango ako. “Ayos, doon din punta ko. Sabay na lang tayo.”
BINABASA MO ANG
When Love Hits You
Romance"Never nga akong mag-kakagusto sa tao!" iyan ang laging linyahan ni Jaizha Madrigal o mas kilala sa tawag na Jaja. Sa lahat ng mga nakasalamuha niyang tao, babae man o lalake, lesbian man o gay ay wala siyang interes. Ngunit isang araw nakilala niya...