Chapter 1

13 4 0
                                    

Jaja's POV

Dali-dali akong bumaba ng tricycle at tumakbo patungong gate ng paaralan. Late na late na ako dahil hindi ako nakapag-alarm. Wala naman talaga sana kaming schedule ngayon kaso iyong isang professor ay ini-move ang schedule niya ngayon araw dahil may lakad ito sa mga susunod na araw. Kung sana ay inabisuhan niya muna kami edi sana ay di ako nagkakandarapa ngayon.

Tumingin ako sa relo ko at late na ako ng 10 minutes. Lintik talaga. Papasok na ako sa gate nang bigla akong matumba dahil may nakasabay ako sa pag pasok.

"Aray naman!" sabay naming daing.

"Ano ba?! Di ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?" inis kong tanong habang mabilis na pinulot ang mga gamit kong nahulog. Late na late na nga ako, mas lalo pang ma-lalate.

"Ikaw nga ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo! Ako kaya ang naunang pumasok. Sumingit ka lang," angal nung lalakeng nakabangga ko.

"Wala akong pake. Late na late na ako!"

"Ako rin naman ah?"

Inirapan ko na lang ito at iniwan doon. Wala akong oras para makipag-usap sa mga tangang tao. Mas lalo lang nitong pinapamalas ang araw ko. Ang mas masahol pa ay nasa fourth floor ang assigned room ko. Nakakainis talaga!

Hingal na hingal akong huminto sa pintuan ng assigned room ko. As expected, nag-didiscuss na si Prof.

Pinasadahan ako nito ng tingin. "You're both late."

Napalingon ako sa likod ko dahil hindi ko inaasahang may na late din pala maliban sa akin. Inirapan ko muna ang lalakeng nasa likod ko bago pumasok at nag-hanap ng bakanteng upuan. Classmate pala kami sa subject na to. Napakamalas talaga. Ngayon ko lang din siya nakita. Baka irregular.

Natapos ang klase namin kaya agad akong lumabas. Ito talaga ang pinaka ayaw ko sa lahat. Iyong pupunta ng paaralan para pumasok tapos iisang subject lang ang papasukan. Pagkatapos ng klase ay uuwi na. Diba nakakapagod?

"Ja!" tawag ng isang tinig ngunit hindi ko ito nilingon. "Hoy! Jaja!"

Naramdaman ko na lang sa tabi ko ang presensiya ni Kathleen, isa sa mga kaibigan ko. "Nakasimangot ka na naman."

"Alangan namang ngumiti ako e ang pangit ng araw ko ngayon? Late na late ako kanina at alam mo namang ayaw kong na lalate."

Para sa akin kasi ay importante ang bawat patak ng oras, kapag sinayang ko ay para na rin akong nag-sayang ng pera. Ang bilis pa naman ng oras.

Tumawa ito. "Normal lang naman ma late."

Kumalabit ito sa braso ko at dinala ako sa direksiyon ng canteen. Uuwi na sana ako e. "Canteen muna tayo. Nagugutom ako."

Kathleen and her foods. Busy yata ang iba naming kaibigan kaya ako ang ginagambala ngayon. Isa pa, kami kasi lagi ang magka-align ang schedule kaya lagi ring ako ang kasama nito. Walang masiyadong tao sa canteen nang makarating kami. Siyempre, class hours. Umupo ako sa isang upuan para roon na lang mag hintay. Hindi naman ako nagugutom.

Di ako makapaniwala sa porma ni Kath habang dala-dala ang pagkain. Sobrang dami niyon at dinadala niya nang payakap. "Wala ka talagang good manners. Nakikita mo na ngang naghihirap ang kaibigan mo," anito bago ilapag ang mga pagkain sa mesa.

"Sino ba kasing nag-sabi na bumili ka ng ganiyan karami? I think kailangan mo nang mag-purga baka napupuno na ng bulate iyang tiyan mo sa sobrang takaw mo."

"Para sa atin iyan ano." umupo siya sa katapat kong upuan. "Nga pala, Ja, sabi sa akin ni Sophia, may crush raw sayo iyong classmate niya. Gwapo 'yon. Matalino, mabait at mabango. Worth it maging crush."

When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon