Jaja’s POV
“Ano ba ang bibilhin mo?” tanong ko kay Klendred habang naglalakad kami papasok ng mall.
Itinaas baba niya ang balikat niya. “Hindi ko pa alam. Kapag ba binibilhan mo ng regalo si tita, ano usually binibili mo?” tanong nito. “Plano ko kasing bilhan si mama ng regalo kasi malapit na birthday niya. Kaso, hindi materialistic si mama kaya hindi ko talaga alam kung ano ang ibibigay ko.”
“Kailan ba birthday ng mama mo?”
“Sa makalawa pa.”
“Hmm. I think she would appreciate any gift as long as it's from you. Ganoon naman ang mga mama e, they appreciate every small details given by their child kasi ganoon nila ito kamahal.”
Tumingin ito sa akin at kinurot ng mahina ang pisngi ko. “Help me decide, ga. I’m not good at choosing things. Baka mamaya bilhan ko na lang siya ng tupperware at payong. Mother things iyon e.”
Tumawa ako sa sinabi nito because it is so accurate. Kahit mama ko ay hindi mapakali kapag hindi nakakabili ng payong at tupperware. If I'll become a mother, would I be like them?
But what's with the “ga”? Matagal ko nang naririnig na tinatawag niya ako sa ganiyan pero nakakalimutan kong itanong. Today’s the perfect time siguro. “Ano ba yung ga?”
“Ga means gagamba. Ikaw kasi ang gagamba ng buhay ko.” ang laki ng ngisi nito habang nakatingin sa akin. Talaga bang gagamba? Duda ako sa laki ng ngisi niya e.
“Iyong serious kasi.”
Sinuklay niya ang buhok gamit ang kamay nito. He just looked... Err, I can't explain. “Ano. It comes from the word Langga, which is the ga in the last syllable. I Just heard it somewhere and I found it cute. It means love.” napatango ako sa sinabi nito. “Kaya ga ang tinatawag ko sayo kasi you are my love.” he gave me a finger heart dahilan para mapangiwi ako. His corny side is roaming again.
“If that means love, then why are you calling me that? Do you love me?”
Hindi ito nakasagot agad at tinignan lang ako. “If I’d say yes, would you believe me?” seryoso nitong tanong. As in his face looked so serious. Gaya lang noong time na hindi niya ako pinansin.
I just faked a laugh at umiwas ng tingin. “No. Who would fall in love so soon?” nag-simula akong humakbang para unahan ito. “Tara, mag-hanap na tayo ng gift para sa mama mo. I'll also buy a gift for her.”
There's a part of me na hindi naniniwala sa sinabi nito. Sino ba naman kasi ang makakaramdam agad ng love? Parang ang bilis lang kasi kapag maramdaman mo ang pagmamahal sa taong di mo pa gaanong kilala at bago mo lang nakilala. Pero may part din sa akin na gustong maniwala sa sinabi niya. He sound so sincere pero ika nga nila, sincerity is scary.
Naramdaman ko ang pagkuha nito sa kamay ko at hinawakan iyon. “Hahawak ako ah, baka mawala ako. Hindi ko pa naman kabisado ang mall rito,” sabi nito. Dahil sa hawak niya ang kamay ko ay magka-sabay na kami sa pag-lalakad. Hinayaan ko na lang ito kahit alam kong nagpapalusot lang ito. Napaka-chansing ah.
Dred’s POV
Tinignan ko si Jai habang napauna itong naglakad. Gusto kong sabihin sa kaniya na, “Oo. Oo. Oo. Oo. Oo. Oo. Mahal kita.” but instead just asked her the most stupid question I've ever thought. Wala e, pinangunahan ako ng takot. Alam ko namang hindi siya maniniwala.
Hindi ko rin alam. It's just so sudden. Kaya siguro grabe ang epekto sa akin nung nakita ko noong isang araw dahil sa nararamdaman kong ito. I had crushes pero hindi naman ganito ang nararamdaman ko noon e. Iba. If she won't believe me by words, then I’ll show her by actions.
BINABASA MO ANG
When Love Hits You
Romance"Never nga akong mag-kakagusto sa tao!" iyan ang laging linyahan ni Jaizha Madrigal o mas kilala sa tawag na Jaja. Sa lahat ng mga nakasalamuha niyang tao, babae man o lalake, lesbian man o gay ay wala siyang interes. Ngunit isang araw nakilala niya...