Jaja’s POV
“Whaaat?!” sabay na sigaw ni Sophia at Kathleen. Napatakip pa sila ng bibig dahil sa nalaman. Sinabi ko na kasi sa kanila ang about sa amin ni Klendred. Isang buwan na ang nakalipas at ngayon ko lang nasabi sa kanila dahil bihira lang kami kung magkita at ngayon lang ulit nagka-tugma ang schedule namin.
“Hindi naman imposible na maging sila, they have the chemistry,” sabi ni Samara habang finiflip ang librong binabasa. Buti pa itong isang to hindi oa.
“Pero, girls. I just want you to know that we agreed on this relationship kasi gusto kong i figure out kung hindi ba talaga ako nagkakagusto sa tao at siya naman for experience kasi hindi pa siya nagkaka-girlfriend.”
“What if mahulog ka talaga te? Duda akong hindi e,” si Sophia.
“I don't know. Ayaw kong pangunahan ang mga mangyayari. Biglang gusto ko ngang umatras baka pangit ang kalabasan nito.”
“I think Klendred is a decent guy so okay na yon. Tsaka bagay nga kayo.” si Kath
“Diba sabi mo si Paolo una mong inaya?” Samara asked.
“Oo, kaso hindi ako pinaniwalaan e. Baka wala rin kaming magiging progress non kasi alam niyo naman na attitude non.”
“Sabagay.”
“Anyways, ang importante, girls, nagdadalaga na ang ating Jaja. Yeheyy!” pumalakpak si Kath. “Kailan mo sasabihin kina Pao at Dion?”
Hindi ko pa nga nasasabi sa two boys namin kasi sobrang busy rin nila e. “Malalaman naman siguro nila ang about dito.”
Nasa canteen kami ngayon, tumatambay. Hindi ko kasama si Klendred dahil may tinatapos sila ng group mate niya kaya pinauna niya na lang ako. Mabilis kasing natapos ang grupo namin kaya maaga akong nakalabas. Tinignan ko ang oras, 30 minutes na lang at next subject na namin. Hindi pa nakakasunod si Klen kaya paniguradong hindi pa ito tapos. Bibilhan ko na lang siguro siya ng pagkain.
Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na aalis na ako at babalik na sa classroom. Sila naman ay tatambay pa raw roon dahil mahaba pa ang oras nila. Bago umalis ay binilhan ko muna ng makakain si Klen.
Pagdating ko ng classroom namin ay naroon pa nga siya. Nagsusulat. Saktong pag-upo ko sa tabi niya ay saka naman siya natapos.
“Hays natapos din.” lumingon ito sa akin. “Tapos ka nang kumain?”
Tumango ako. “Here. Binilhan na kita ng pagkain nang hindi ka na bumaba.”
“Wow, sweet naman ng lover girl ko. Baka pwedeng subuan mo ako? Ang sakit kasi ng kamay ko. Look oh.” inangat nito ang kamay at namumula nga iyon.
Wala akong nagawa kundi buksan ang pagkain at subuan siya. Ang laki pa ng ngiti nito habang ngumunguya. Sa bawat pagsubo ko sa kaniya ay gumagalaw-galaw ito na parang bata. Ang cute tuloy niyang tignan. Wait. Did I just say he's cute?
“Inuuto ka lang niyan Jaizh, nakita ko yan kanina nanghingi ng liptint kay Anne tapos pinahid sa kamay niya,” sabi ng isang classmate namin. Hindi naman lingid sa kaalaman nila ang about sa amin.
Napatingin ako kay Klen na ngumunguya pa rin. Umiiling ito habang nakatingin sa akin. “Oy, di ah, huwag ka maniwala riyan. Masakit talaga kamay ko,” anito matapos malunok ang pagkain. Pinakita niya pa ulit ang kamay niya. Halata nga ang bahid ng liptint doon pero nag-pretend na lang akong hindi ko iyon na halata. Ano pa bang magagawa ko?
Actually I searched sa google about how to be a good girlfriend. Kinareer na talaga ang pagiging girlfriend e. Siyempre first relationship ko to dapat talaga ay maayos ang takbo baka mamaya ito na pala last relationship ko. Isa sa nabasa ko roon ay, “You should take care of your boyfriend.” taking care naman na siguro itong ginagawa ko?
BINABASA MO ANG
When Love Hits You
Romance"Never nga akong mag-kakagusto sa tao!" iyan ang laging linyahan ni Jaizha Madrigal o mas kilala sa tawag na Jaja. Sa lahat ng mga nakasalamuha niyang tao, babae man o lalake, lesbian man o gay ay wala siyang interes. Ngunit isang araw nakilala niya...