Dred’s POV
“Ma! Aalis na ako. Late na late na ako sa klase.” inayos ko ang suot kong damit at ibinutones ang dalawang butones ng polo shirt kong suot. Hindi pa naman nag sisimula ang klase namin sa mga oras na ito ngunit sigurado akong late ako pagdating ko roon. Malayo kasi ang paaralan na trinansferan ko. “Mamaya ko na lang ulit yan ililigpit ma. Ako ang mag-liligpit, ah? Baka mamaya pagbalik ko ready na lahat.”
Buti na lang at may napadaang tricycle pagkalabas ko ng bahay. Kailangan ko pang sumakay ng jeep pagkatapos nito dahil malayo nga ang paaralan na nilipatan ko. Ngayon ang araw ng paglipat ko sa apartment na nahanap ni mama na malapit sa school. Kung wala kaming pasok ngayon, nag-iimpake pa sana ako kaso biglang nag-abiso ang prof namin na may pasok kami ngayon.
Nakakuha ako ng scholarship sa paaralan na lilipatan ko. Buti na nga kung ganoon dahil ayoko namang gumastos pa si mama ng malaki para sa pag-aaral ko. Ang akin lang ay makapagtapos ng pag-aaral na hindi nahihirapan si mama. Siya na lang ang nag-aalaga sa akin dahil wala na si papa.
Tingin lang ako nang tingin sa relo ko habang bumabyahe. Buti na lang at agad na lumarga ang jeep na sasakyan ko. Late na ako dahil ang layo talaga ng byahe. Siguro mga 30 minutes pa bago ako makakarating. Idagdag pang medyo traffic. Kapag minamalas ka naman talaga.
Kumuha ako ng barya at ginamit iyong pangtunog, hudyat na bababa na ako. Pinaabot ko na lang sa katabi ko ang bayad ko at dali-daling bumaba. Tinakbo ko na lang ang distansiya ng pinaghintuan ko dahil hindi naman na kalayuan ang school. Makakapasok na sana ako sa gate nang biglang may bumangga sa akin kaya natumba ako.
“Aray naman!” sabay naming sabi ng nakabangga ko. Sobrang sakit ng balakang ko dahil sa pagkabagsak ko. May lahi bang bakal tong nakabangga ko?
“Ano ba?! Di ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?” inis na tanong nito at mabilis na pinulot ang mga gamit niyang nahulog. Siya pa talaga ang galit e siya itong namamangga.
“Ikaw nga ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo! Ako kaya ang naunang pumasok. Sumingit ka lang,” angal ko
“Wala akong pake. Late na late na ako!” sabi nito.
“Ako rin naman ah?”
Hindi na ito nag-salita pa at inirapan ako bago umalis. Kung ganito man ang mga babaeng makakasalamuha ko sa school na to ay huwag na lang. Napakasungit. Pinagpagan ko ang damit ko habang nasa babaeng tumatakbo ang tingin. Napailing na lang ako sa nangyari.
Nang maalalang late na ako ay saka lang ako nagmadaling pumunta sa classroom na kung saan ang klase ko.
Hingal na hingal akong huminto sa harap ng room ko. “You’re both late,” sabi ng professor nang tumigil ito sa pag-didiscuss. Napalingon sa akin iyong babaeng nasa harap ko. Siya iyong nakabangga ko. Inirapan niya ako ulit at naunang pumasok, saka naman ako sumunod at umupo sa bakanteng upuan sa may gitna.
Nang makaupo ako ay dinukot ko ang panyo sa bulsa ko para magpunas ng pawis. Grabe naman kasing takbo ang pinag-gagawa ko.
Dalawang oras ang itinagal ng klase namin at pagkatapos non ay dumiretso ako sa pag-uwi dahil marami pa akong liligpitin. Ang gastos lang talaga ng pamasahe. Naabutan ko si mama na nag-liligpit ng iba kong gamit.
“Sabi ko naman ma ako na ang mag-liligpit diba? Sana nag-relax ka na lang diyan.” inagaw ko kay mama ang mga hawak nito at ako na mismo ang nag-lagay sa bag ko.
“Mas mabuti na kasing tulungan ka kesa naman mag-isa kang magliligpit. Baka mas matagalan ka pa.”
“Mamayang hapon pa naman ang alis ko, ma. Madali lang din ‘tong ligpitin.” kinuha ko ang isang bag malapit sa akin at iyon naman ang nilagyan ng mga gamit. “Siguro ay gusto mo nang makaalis ako rito.” nag kunwari akong nag-tatampo.
BINABASA MO ANG
When Love Hits You
Romance"Never nga akong mag-kakagusto sa tao!" iyan ang laging linyahan ni Jaizha Madrigal o mas kilala sa tawag na Jaja. Sa lahat ng mga nakasalamuha niyang tao, babae man o lalake, lesbian man o gay ay wala siyang interes. Ngunit isang araw nakilala niya...