Chapter 10

3 1 0
                                    

Kenzo POV

Andito kami ngayon sa SOC gaya ng bilin ni Xyrille pinag-usapan na namin yung mga darating na event

'so ito na lahat noh? Sam ikaw nalang yung ilalaban then gaya ng dati tulungan nalang sa pag aayos sayo'

'oo sige'

"This coming month na yung Event kaya need na natin paghandaan"

'saan ba raw gaganapin?' tanong ni Sam

"ang sabi ibang school daw eh, pero hindi pa raw sure yun kase busy rin ang ibang school sa iba pang Event, Sabi ng Dean may possibility na dito raw ganapin"

'gosh mas hassle yun' sabi ni Claire

"siguro kung dito gaganapin, patulungin nalang natin mag organize yung mga President by Department at 3 classmate nila na pwede tumulong satin"

'okay, goods rin yun' wika ni Claire habang nag nonotes sa Ipad niya

"that's all na muna siguro sa ngayon, wait nalang natin yung pagbalik ni Xyrille"

'okay sige'

'Good Day guys'

Inayos ko na yung mga Papers at inilagay na sa table ni Xy, otw kami ngayon sa kanila para macheck yung lagay niya. Dumiretso na'ko sa Parking Lot dahil nag aantay ron si Sachi

"sorry natagalan"

'its okay, uhm kailangan ba talaga na andon ako?'

"of course kaibigan ka ni Xy, bakit may problema ba?"

'ahm ano nahihiya kase ako'

kita ko naman na mukang ayaw niya nga talaga

"okay text ko nalang sila na hindi tayo makakapunta"

'huh!? No! tara sige sasama na ako'

"are you sure?"

'Yup tara na'

sumakay na siya sa passenger seat at umikot na'ko para makaalis na kami, nakita ko naman na paalis narin sila primo kaya sumunod na kami.

tahimik lang ang naging byahe namin, hinayaan ko muna si Sachi na libangin yung sarili niya, baka kase kinakabahan siya kahit na pinatawad na siya ni Xy.

Si Claire kase hindi sila okay ngayon, alam kong galit si Claire dahil sa ginawa ni Sachi pero hinayaan ko nalang, magkakaibigan din naman sila tsaka magkakaayos din naman sila

*****


Pagkarating namin sa bahay nila Xy pinapasok naman kami agad ng guard nila. As of now naka wheel chair parin siya.

'kumusta Xy, wala bang masakit sayo?' tanong ni Kes sa kanya

'okay naman na ako, pero hindi muna ako makakapasok bukas, baka next week na pag fully recovered na'ko'

tumango naman kami bilang sagot sa kanya

'ken kumusta pala yung meeting kanina?'

"okay naman, pumayag naman si Sam na siya nalang yung ilalaban, then hindi pa sure pero baka sa School nalang gaganapin yung Event"

'hassle pala kung ganon'

mabilis na lumipas yung oras at nag movie marathon nalang kami, naging okay naman na sila kay Sachi.

feeling ko MU ngayon itong si Zanth at Xy pero hindi parin nila sinasabi samin, halata naman kase kung pano sila umaktong dalawa.

Miss Independent  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon