dreams do come true

148 4 2
                                    

4:30am
Nagising ako tulad ng ussual kong ginagawa.
Maaga kasing pumapasok ang asawa ko at balak niyang isama ang bunso naming anak kaya ginising ko na sila para makapag ayos na para umalis.

Nung makaalis na sila at mailigpit ko na ang mga gamit na nakakalat.

Naisip kong bumalik sa pag tulog tutal tanghali pa naman ang pasok ng panganay kong anak.

Agad naman akong nakatulog at nanaginip.

Sa panaginip ko ay nakita kong nabangga ang minamanehong sasakyan ng asawa ko.(school bus driver kasi siya).
dinala sila ng anak ko sa hospital.Habang papalapit daw kami ng panganay kong anak ay tumakbo papalapit sakin ang bunso ko at iyak ng iyak na hinihila ako papasok sa isang kwarto.

Pagpasok ko sa kwaryong iyon ay nakita kong nakahiga ang asawa ko at walang malay.

Biyak ang tiyan nya at nakikita lahat ng lamang loob nya sa tiyan pero walang pumapansin kahit na isang doctor o kahit nurse man lang kaya sumigaw ako.
Sigaw ako ng sigaw na parang baliw at nagiiiyak pero wala paring pumapansin sakin.

Ako yung tipo ng tao na makarinig lang ng konting ingay o magalaw lang ako ng konti ay nagigiding na ko.
Kaya nung may marinig akong sumigaw sa pinto namin ay nagising ako.

"NHIE!"
Dinig kong tawag sakin ng asawa ko kaya napadilat ako at nakawala sa panaginip ko.

Pero di ako sumagot o bumangon agad.Hinintay kong kumatok siya o magsalita ulit pero di na naulit ang tawag niya na yun.

Naala ko ang sabi ng matandang kapitbahay namin na wag agad sasagot o lumingon kapag may tumawag sayo na kakilala o mahal sa buhay dahil maari daw madisgrasya o mapahamak ang taong yun.

Nung maliwanag na at oras na para bumangon ako ay tumayo na ko at pumunta sa kusina.

Maya maya pa ay tumawag ang asawa ko at sinabing muntik na nga daw silang madisgrasya at mabangga sa isang delivery truck kaninang umaga.Saktong oras kung kailan ko narinig ang tawag sa pinto namin.

Mabuti nalang talaga at naalala ko ang sunabi ng kapitbahay namin.kundi malamang yung sitwasyon sa panaginip ko.Sa totoong buhay ko maranasan.

~~~~~

Ayon sana naintindihan niyo yung kwento.haha!Pati ako naguluhan e..tnx sa mga nagbabasa pa rin nito kahit matagal yung update.tnx

third eyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon