The church

945 18 0
                                    

Summer vacation noon.At dahil bdaydin ng bf ko,niyaya ako ng family niya na magswimming kasama nila sa isang lugar sa Bosoboso Antipolo.

Dahil malapit lang naman at di naman daw kami dun magpapalipas ng gabi ay pinayagan ako ng mama ko na sumama sa kanila.

Bago kami pumunta sa resort kung san kami magsuswimming may nadaanan kaming lumang simbahan.Naisipan naming pumasok muna para magdasal at para na rin makita ang lumang simbahan na yun.

Sabi nila panahon pa daw ng mga kastila nung maitayo ang simbahang yun kaya makikita mong luma na talaga pati mga santong nandudoon.

Pagpasok ko palang ay ioba na ang pakiramdam ko sa lugar,parang mabigat ang mga hakbang ko at ayokong pumasok.Pero dahil makukilit ang mga kapatid ng bf ko ay napilitan na rin akong pumasok.

Dahil nga medyo liblib at kokonti lang ang mga taong nakatira sa lugar na yun napakatahimik at ramdam na ramdam mo yung pagdadasal mo.

Dahil medyo marami kami naging napaka ingay namin sa loob ng simbahan.

Nung una may mga naririnig akong nag sisitsit at kumakatok pero pag tinitingnan ko naman ang mga kasama ko tuloy pa rin sila sa pagkukiltan at pagtatawanan.

Kaya di ko nalang pinapansin ang mga naririnig ko.

Pero lahat kami napasigaw nung biglang sumara ng malakas ang pinto ng simbahan at napakalakas ng pagsara noon.

Kung titingnan mo kasi ang pintong yun ay maiisip mo na di pwedeng matangay siya ng hangin sa sobrang laki at bigat noon.

Dalawang tao nga daw ang nagbubukas at nagsasara noon pag may misa.

Narinig nung nagbabantay doon ang pagsara ng pinto at pinagalitan kami.

Masyado daw kasi kaming maingay.Inutusan din niya kaming magtirik ng kandila at humingi ng tawad.

Di lang daw sa amin unang ginawan ng ganon dun,kadalasan daw kasi sa mga dumadayo dun ay maingay din at di nakikinig sa mga taong sumasaway sa kanila kaya nagagalit daw ang mga kaluluwang taimtim na nagdadasal doon.

third eyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon