Noong una ayokong tanggapin na nakikita at naririnig ko nga sila na wala na dito sating mundo..
Sinubukan kong wag pansinin at magkunwari na di ko sila nakikita at naririnig.Kadalasan nga ay pinipilit kong palagi akong may kasama para maiwasan lang sila.
Pero parang nananadya sila at alam nila na nakikita at nararamdaman kong nandito lang sila sa paligid ko.Minsan kahit na kasama kong nagkukulitan ang mga kaibigan ko ay bigla nalang silang lalabas na parang gusto nila sumali sa kasiyahan namin.Minsan naman ay tinatawag nila ang pangalan ko at gagayahin ang boses ng isa sa mga taong kasama ko.
Kaya naisip ko na talagang hindi ko matatakasan ang totoo kaya mas pinili ko nalang na tanggapin ang mga nangyayaring di normal sakin.
Noong una natatakot pa ko pero habang tumatagal nasasanay na rin ako sa kaniula.
Tulad ngayon...
Bakasyon kaya nasa bahay lang ako maghapon.
Sila mama at papa as usual wala sa bahay,si kuya naman nasa computer shop.
Kahit na alam kong maaari akong makakita at makaramdam ng iba sa bahay namin ay mas pinili kong dun magstay,Gusto ko kasi ng tahimik na lugar.
Habang nagsusulat ako ng tula.(trip ko lang magsulat ng tula non,mahilig kasi ako sa poems)
Napatingin ako sa hagdan namin.(kung maalala niyo sa 1st chap na malapit sa hagdan yung room ko.)
Nung una may naririnig akong parang may kumakatok sa hagdan kaya napalingon ako.
"tok tok tok!"
Pero wala akong nakita.Iniisip ko na baka ngayon na nakikita ko na sila ay baka makita ko na rin kung san nanggagaling yung tunog na yun pero wala pa rin akong nakita.
Sinubukan kong sagutin yung katok na narinig ko at kumatok din ako sa sahig pero imbis na katok sinipa ko yung sahig ng 3 beses.
"blag blag blag!"
Tapos tumingin ako ulit sa hagdan pero wala pa rin akong nakita kaya tinuloy ko nalang ang pagsulat ko.
Pero di ko sinasadyang mapalingon sa hagdan at nanlaki yung mata ko sa nakita ko.
Sa hagdan kasi may paakyat na batang babae.mga 8 to 9 yrs old.Nkasuot ng puting dress at may hawak na payong na dilaw.At habang papaakyat siya tinutuktok niya yung payong niya sa bawat hakbang ng hagdan.Nakatalikod siya sa side ko kaya di ko nakikita ang itsura niya.
Habang pataas siya ng pataas palabo din ng palabo sa paningin ko yung image niya.Pero palakas naman ngt palakas yung tunog ng payong niya.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko.Parang gusto kong tumalon sa bintana dahil sa takot.
Kaya pinikit ko nalng ang mata ko.tapois ay kumanta ako ng mga kanta namin sa simbahan.(choir kasi ako sa school).
Hanggang sa nawala na yung tunog sa isip ko.