Sabi nila oras ng ng evil spirits ang 2:00-3:00am.
Sa totoo lang hindi ako naniniwala hanggang sa mangyari sakin to isang huwebes ng madaling araw.
Single mom ako.
Dahil nga dun kaya mag isa kong tinataguyod ang anak kong nag aaral sa elementary.
Nagtatrabaho ako as a payroll master sa City Hall ng Quezon City at sobra talagang pagod ang nararamdaman ko everyday.Ikaw ba naman ang umakyat at bumaba sa floors ng City hall para lang mag papirma ng kung anoano para sa sahod namin at funds nang mga project ng boss ko.
Isang thursday night,nag aya yung isang ka officemate kong gumimik sa isang bar sa malate.Para daw makabawas sa stress namin.
Nung una ayaw ko talagang pumayag dahil iniisip ko ang anak kong naiwan sa mama ko.Pero bandang huli napapayag din nila ako dahil birthday naman daw niya.Syempre kasama na dun ang drama nyang magtatampo daw siya.Kya go na din ako.
Super nag enjoy naman ako at tama nga siya nawala ang stress ko.
Naginom at nagsayaw kami till 1 am in the morning.Nung napansin ko na late na pala nagpaalam na ko sa kanila na mauuna na kong umuwi.
Nung una ayaw pa nila akong payagan pero bandang huli pumayag na din sila.
Nakarating naman ako ng maayos hangang sa babaan ng jeep.Isang eskinita nalang ang dadaanan ko at nasa bahay na ko.
Lasing na ko at talagang nahihirpan na kong maglakad pero habang naglalakad ako sa eskinita pakiramadam ko sobrang lamig at malakas ang hangin kaya napayakap ako sa sarili ko.
"Hooooy"
Biglang may bumulong sakin ng ganyan sa kanang tenga ko.Sobrang dilim sa eskinitang un at malabong may tao pa dahil may curfew sa lugar namin.
Nagtayuan ang mga buhok ko sa batok at kinilabutan ako dahil sa nakakatakot na boses na yun.Prang isang mabangis na hayop na gustong umatake anytime.
Sa sobrang takot ko ay napatakbo ako at halos lumipad na para lang makarating sa bahay namin.Nawala din ang lasing ko at tarantang hinanap ang susi sa bag ko.
Naririnig ko pa rin ang boses na yun at parang palapit na siya ng palapit sakin.
Halos di ko malusot ang susi sa pinto sa sobrang panginginig ng katawan ko.Kaya kumatok ako ng napakalakas sa pinto namin.
Nasa likod ko na yung kung ano mang nilalang na yun na sumusunod sakin pero di pa rin nagbubukas ang pinto namin.
"hoy".dinig ko sa batok ko.
"waaahhhh"
Dun na ko nawalan ng malay at bumagsak sa tapat ng pinto namin.
Pag gising ko pinapaypayan na ko ng mama ko at tinatawag ang papa ko para mabuhat ako papasok ng bahay.
Narinig daw nya na kumakatok ako at sumisigaw na parang nababaliw.
Di ko na nagawang maikwento sa mama ko yung nangyari dahil nawalan na ulit ako ng malay.Pero sinusumpa ko mula ngayon sisiguraduhin ko na pag 2-3 am.tulog na ko.