condo

800 19 0
                                    

Ikakasal na ko noon kaya naisipan namin na tumingin ng bahay na titirhan namin.At dahil nga masyadong mahal kung bibili kami ng bahay at lupa naisip ko na mas mabuti kung condo nalang ang bilhin namin tutal mas mura na mas malapit pa sa pinapasukan namin.

Office staff kasi ako at ang soon to be husband ko at pareho kaming dito sa Makati nagtatrabaho.

Merong pinapatayong bagong building malapit sa office namin,Actually patapos na siya at naghahanap na sila ng mga magpapareserve ng unit kaya inaya ko ang fiance' ko na tingnan ang mga unit nila..

6pm na kami nakapagout sa loffice non kaya halos 7 na rin nung magpunta kami para tingnan ang condo unit na yun.

Mababait naman ang mga staff nila at inassist pa rin kami kahit medyo gabi na..Yung mga unang floors ay may mga nakaoocupy na tapos na din kasing gawin yun at konting touch nalang..kung baga depende nalang sa bibili kung may ipapadagdag sila o tama na yung ginawang design sa bibilhin nila.

Bale sa 7th floor kami dinala nung agent na kausap namin.

Pagpasok ko palang sa Kwartong yun iba na agad ang pakiramdam ko.

Tila ba may mga mata na nakamasid samin habang nililibot namin ang bawat silid sa condo unit na yun.

Hanggang sa makarating kami sa masters bedroom.

Maganda ang pagkagawa sa kwarto ng yun.May c.r. siya na sakto lang ang laki at terrace.May malaking built in cabinet din siya.All in all maganda siya pero nandun pa rin yung mabigat na pakiramdam na parang may nakatingin sayo.

Palapit palang ako sa cabinet para tingnan kung gaano yun kalaki nung biglang nagbukas sara ang pinto noon at biglang sumara ng malakas.

Lahat kami nagulat sa nangyaring yun.Pati nga yung staff ng condo ay napatili sa nakita niya(bakla kasi siya)

Kaya napaatras ako at napayakap sa soon to be husband ko tapos ay inakay na niya ko palabas ng condo unit.

Panay naman ang hingi ng pasensiya ng staff at pakiusap na wala kaming pagsabihan ng nangyari.

Kapalit noon bibigyan niya kami ng discount sa kukunin naming unit.

P)ero syempre hindi na sa unit na yun at mas lalong hindi sa 7th floor.

~~~~~~~~~~~

Hay ang saya saya ko talaga ngayon..1k read not bad huh?

tnx po sa mga nagbasa at magbabasa pa..mwuah mwuah!!

And happy valentines po sa lahat!sana na enjoy niyo po ang valentines my love life man po o wala...

ingat ingats lagi...^____^

third eyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon