comfort room

1K 21 1
                                    

Hi..sana po basahin niyo din yung isa ko pang story.Title po from crush to love to nothing.True story din po yun tnx po!!

~~~~~~~

Christmas eve nanaman..

Nasa bahay kami ng friend ko sa Sampaloc nun.Magbibigayan kasi kami ng gifts bago ako umuwi samin para magnoche buena.

Sinadya namin na paabutin ng 11pm bago kami magexchange gift para makapag kwentuhan muna kami.

Medyo matagal din kasi mula nung huli kaming nagkita kita.

6 kaming magbabarkada kaya 6 na gits din ang matatanggap ng bawat isa.

Di rin naiwasan ang inuman pero dahil nga uuwi pa kami sa kanya kanyang bahay namin,napagdesisyunan na san mig lights nalang ang inumin.

At dahil di ako sanay sa beer panay ang balik ko sa c.r. para umihi.

Last bottle ko na ng iiniinom ko,actually dalawa lang naman ang ininom ko nun.

Nung nakaramdam ako na kailangan kong bumalik sa c.r.

Kaya nagpaalam ako sa mga barkada ko na mag cc.r. lang muna ako,Mg e11 ng nun kaya nagmamadali akong maglakad,kailangan kasi eksaktong 11 kami magpalitan ng regalo at medyo malayo rin kasi ang lalakarin ko papuntang c.r.galing sa labas ng bahay.

Dun na kasi kami pumwesto sa labas para kahit maingay kami ay ok lang.may baby kasing pamangkin yung kaibigan ko.

Pero di pa ko nakakarating sa c.r.ay may nakita na kong lalaking pumasok sa loob ng c.r.Kaya naupo muna ako sa silya na malapit dun at inantay kong lumabas yung pumasok.

Sobrang tagal niya at ihing ihi na ko pero naisip ko na baka dumudumi lang xa kaya matagal.

Past 11 na pero di pa rin lumalabas yung pumasok sa c.r.kaya pinuntahan na ko ng barakada ko para sunduin.

"Ang tagal mo naman,kala ko lumubog ka na sa c.r.e"biro sakin ng may ari ng bahay.

"Ang tagal kasi ng kuya mo,kanina ko pa inaantay lumabas,hanggang ngayon di pa tapos.Siya ata ang naflush  e"natatawa pa ko habang sinasabi ko yun,.

Pero nagtaka ako nung bigla siyang namutla at nakatingin sakin ng matagal.

"Hoy anong nangyari sayo?katukin mo na kaya yung kuya mo.Ihing ihi na ko"

Pero tiningnan lang niya ako tapos ay sumilip sa c.r.

Tapos ay binuksan niya ang c.r. ng malakas.

"wala namang tao e"

tapos ay pinindot ang ilaw,

Napatingin naman ako sa kanya,pero di ko pinahalata na natatakot ako.

"Lasing na ata ako dre,hehe"

Pumasok pa din ako sa c.r.dahil di ko na mapigil yung ihi ko,inaantay naman niya ko sa labas ng pinto.

Nagkukwentuhan pa nga kami habang nasa loob ako.

Pero pag kuha ko ng tubig na panghugas paranng may humawak sa kamay sa kamay ko kaya napasigaw ako.

"waaahhh!"

Tapos ay agad ko9ng nabitawan yung tabo.

"toktoktok!ok kalang?anong nangyari sayo"

Malakas na katok ng kaibigan ko sa pinto,Pero sabi ko ay ok lang ako at nadulas lang.

Pero ang totoo nun.halosdi ko na mabuksan yung pinto sa panginginig ng katawan ko.

~~~~~~

Pagkatapos namin magexchange gift,nilapitan ako ng kaibigan ko na mayari ng bahay.

"Wag ka na lang sana maingay sa mga kasama natin,pero yung nakita mo kanina ay nakita ko na din dati at talagang nagpapakita siya tuwing 11:55 ng gabi."

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya kaya ngumiti nalang aKo at nagpaalam na uuwi na.

Promise hindi na talaga ako pupunta sa c.r. nila ng ganong oras.

third eyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon