Ako ay isang studyante sa isang high school sa Q.C.
At dahil dun wala akong masyadong oras na mag internet,pero dahil adik ako sa wattpad kahit maaga ang pasok ko kinabukasan ay talagang nagppupuyat ako para lang matapos ko ang binabasa kong story o kaya naman ay para makapag comment at vote sa paborito kong author.
Tulad ng dati nagpupuyat ako ngayon para matapos ko ang isang story ng favorite author ko,ang kaibahan lang wala ako sa kwarto ko ngayon dahil nagloloko ang net nain at hindi ako makaconnect sa wifi kaya naman lumipat ako sa sala kung san mas malakas ang net.
Mag o one oclock na ng madaling araw pero nandito pa rin ako..Ayoko kasi tumigil sa pagbabasa dahil maganda na ang takbo ng storyang binabasa ko.
Napansin ko na pinatay na ni mama ang ilaw pero di pa rin ako natinag at huiga pa ko sa sofa habang kilig na kilig sa binabasa ko.
Napatingin ako sa orasan at nakita kong ag t-two am na,medyo inaantok na ko pero pinilit ko pa ring magbasa.
Habang pinipigil ko ang tili ko sa sobrang kilig na nararamdaan ko sa binabasa ko..
May boses na biglang narinig ko sa kaliwang tenga ko sa bandang sandalan ng sofa.
"Maganda ba?"sabi ng boses na akala o ay galing sa loob ng baul,sobrang lalim noon at sobrang laig ng dating na nakapagdala ng sobrang takot sakin.
Di ako nakagalaw at parang naestatwa ako.Bumilis din ang kabog ng dibdib ko at parang gusto kong tumakbo pero di ako makagalaw.
Basta ang alam ko umiiyak na ko sa sobrang takot.
Pag lingon ko sa pinang galingan ng boses na yun ay nakita ko ang isang lalaki na nakahiga sa tabi ko.Naaagnas ang mukha niya habang nakatitig sakin ang mapupula niyang mata.
Nakangiti siya sakin at tila may sinasabi na hindi ko maintindihan.
Halos maubusan ako ng hininga sa sobrang tili ko...
"AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH"
Napabalikwas ako nung bigla akong hinawakan ni mama sa braso.
Paginip lang pala ang lahat.Napagalitan pa ko ni mama dahil ang ingay ingay ko daw sa sala at madaling araw na ay nagbabasa pa ako.
Nagpapasalamat ako at pwede na idownload ang wattpad sa cp at di ko na kailangang magpunta sa sala para lang sa net.
~~~~~~~~~~~
HI...grabe ang saya ko..di ko po kasi inaasahan na madaming magbabasa nito...
SALAMAT PO SA INYONG LAHAT NA NAGBASA,NAGBABASA,AT MAGBABASA PA PO...
Thank you thank you po talaga!
Sana po basahin niyo rin po yung one shot ko.
DEAR CRUSH po ang title.or simply click external link.tnx po.