1st year high school ako noon.
Dahil di pa ko masyadong marunong magcommute sinasabay ako ni mama papasok ng school kaya maaga akong dumadating sa school namin.
6:30 ang flag ceremony namin pero 5:00 nasa school na ko.
May mga ilang teacher na nandun pero kadalasan yung guard lang ang palaging kasama ko..
Dahil nga palagi akong maaga pumapasok,madalas ako nakatambay sa gilid ng stage malapit sa chapel ng school namin.
Isang araw usual na ginagawa ko pag baba ng jeep lalakad ng konti papuntang school namin tapos diretso sa gilid ng stage pero nung araw na yun naiihi na ko kaya pumunta ako sa guard house ng school para kunin yung susi ng c.r.
Sinasarado kasi yun at binubuksan lang pag malapit na mag simula ang flag ceremony.
Bago ako pumunta dun may nakita akong babae na nakaupo dun sa chapel.Pero nung tumayo ako para kunin yung susi tumayo din siya at lumabas ng chapel.
Habang naglalakad ako papautang guard house parang feeling ko may sumusunod sakin kaya huminto ako at lumingon pero wala akong nakitang tao.
Medyo madilim pa kasi at walang ilaw ang mga classroom.Ang tanging ilaw lang na nagbibigay liwanag akin ay yung ilaw ng poste sa school.
Di ko nalang pinansin yung pakiramdam na yun at nagpatuloy nalang ako sa paglakad.
Nakarating na nga ako sa guard house at nakuha ko na nga yung susi.
Pagkagaling ko ng c.r.dali dali na kong bumaik sa guard house para ibalik yung susi,malapit na rin kasing magbell.Ibig sabihin nun flag ceremony na.
Pero pagbigay ko sa guard,Kinilabutan ako sa tinanong niya sakin.
"Nasan na yung kasama mo?"