unexpected visitor

35 1 0
                                    

Tagal ko nawala;(
Sorry na po.

-------

Unexpected visitor

Sept 07
Bday ng anak ko..

Simula na ng inuman at busy busyhan ako sa pag aasikaso ng mga bisita.

Habang nagluluto ako ng pulutan nagkakantahan naman ang mga bisita ko sa labas.Sobrang ingay sa labas pero ako lang magisa sa kusina.Ang asawa ko kasi ang nakikipagusap sa mga bisita at nagiistema sa kanila.

Habang nagluluto ako nakita ko na may dumaan sa gilid ko na lalaking medyo matangkad at dumiretso pumasok sa loob ng bahay.(may pinto kasi kami sa kusina).

Di ko siya pinansin kasi baka asawa ko yun at may kukunin lang sa loob,at isa pa masyado akong abala sa pagluluto kaya di ko na rin masyadong binigyan ng pansin kung sino ang dumadaan sa likod ko.

Pero halos isang oras na pero di pa rin lumalabas ang asawa ko kaya sinundan ko siya sa loob.Naiinis kasi ako dahil iniwan niya ang mga bisita alam naman nyang may ginagawa ako.

Pero papasok palang ako nung marinig ko na kumakanta ang asawa ko sa videoke.

Bigla akong nakaramdam ng panlalamig at  panliliit ng mukha..

Sobrang kinilabutan talaga ako kaya napaupo ako sa upuan.

Tsaka ko lng naalala yung lalaking gumagaya sa asawa ko pag wala siya.
Yung lalaki na madalas magpakita sa panaginip ko at pilit na isinasama ako.

-------
Sorry palpak;(
Nakaduty kasi ako.
Naalala ko lang to kanina.

third eyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon