CHAPTER FOUR
MULA ng mangyari ang gabing iyon ay parang may pader na nakapagitan sa gitna nila ni Ricardo. Madalang na siya nitong kausapin at madalas ay maaga itong pumapasok ng opisina at kung umuwi naman ay natutulog na siya. Dapat sana ay ipagpasalamat niya ang nangyayari dahil hindi na nagde-demand ng karapatan bilang asawa niya si Ricardo, pero nasasaktan siya sa ginagawa nito.
"Pagpasensiyahan mo na ang pagtatanong ko, hija," ani Mrs. Gatchanova, "nagkakagalit ba kayong mag-asawa?" anito na tumingin sa kanya.
"Hindi malaman ni Laura ang isasagot sa matanda. "H-hindi naman po," pagkakaila niya.
"Napapansin ko kasing madalas na ginagabi si
Ricardo," anito na itinuloy na ang pag-aayos ng
halaman. "Masyado na naman siyang nalululong sa trabaho. Alam mo, hija, ganyang-ganyan ang nasirang papa ng asawa mo, kapag may sama ng loob sa akin," nakangiting sabi nito. "Alam kasing pinagseselosan ko ang trabaho niya at gusto ko ako muna ang asikasuhin niya."
Nangiti si Laura sa sinabi ng matanda. Tingin niya ay mahal na mahal nito ang asawa. Kung hindi siguro nag-umpisa sa mali ang lahat, baka kahit paano ay may laya din siyang ipakita ang nararamdaman para kay Ricardo. Pero maraming bagay ang pumipigil sa kanya.
MAAGANG umuwi nang araw na iyon si Ricardo, pero hindi ito nag-iisa. May kasama itong maganda at sopistikadang babae.
"Arvie, hija. How are you?" ani Mrs. Gatchanova sa babae na humalik sa kanya.
"Hello, Tita," anang bagong dating. "Heto,
kagagaling ko lang sa Florida. Naglambing kasi ang Mommy," at ngumiting lumingon kay Ricardo.
Nakita niya na ginantihan din ito ng ngiti ni Ricardo. At lihim siyang nagselos.
"How's your mother? Kailan ba siya babalik dito sa Pilipinas?" tanong ng matandang babae.
"She's planning to spend her Christmas here, Tita. Ilang buwan lang akong nawala at pagbalik ko'y may-asawa na pala si Ricky," anito at tumingin kay Laura.
"Hindi na bumabata ang kaibigan mo, Arvie," sagot ni Mrs. Gatchanova.
"You're right, Tita," anito at tumingin kay Ricardo. "Pero hindi na lang niya ako hinintay," biro nito.
Doon na naghapunan ang babae. Tahimik lang si Laura. Katabi niya si Clara na tulad niya'y nakikinig lang din sa usapan ng tatlo. Paminsan-minsan ay isinasali siya ng matanda sa usapan.
"Tita, alam mo ba na nagkita kami ni Wilfred sa L.A.?" Ani Arvie.
"Kumusta na siya? Doon na ba siya talaga
mananatili?"
"Well, hindi naman kami gaanong nakapag-usap pero si Wilfred ang nagsabi sa aking naaksidente nga raw si Ricky," patuloy ni Arvie.
Kumunot ang noo ni Ricardo. "Alam pala niyang lahat ang nangyayari sa akin," may kahulugang sabi nito.
"Nakikibalita din siguro dito sa atin si Wilfred," si Mrs. Gatchanova.
"Kumusta na nga pala ang sakit mo, Ricky?" Pag-iiba ng usapan ng babae. "Is it true that you're suffering from partial loss of memory?"
"May mga bagay na hindi ko matandaan," sagot ni Ricardo na sumulyap sa gawi ni Laura. "Tulad kanina, ang tagal ko pang nag-isip bago kita nakilala."
"Gusto ko na nga sanang magtampo. I thought it was one of your tricks," natatawang sabi ni Arvie.
Halos walang nakain si Laura sa hapunang iyon. Nang matapos ay nagpaalam na siyang magpapahinga. Naiwan sa salas si Ricardo at si Arvie. Nakatulugan na niya ang paghihintay pero walang Ricardo na pumasok sa silid hanggang sa mag-umaga.
MINSAN ay nagyayang pumunta si Mrs. Gatchanova sa opisina ng anak. Pinili niya ang isang simpleng bestida ngunit maganda ang pagkakadisenyo. Pati ang kulay ay bumagay sa kanya. Tulad ng dati ay pulbos at manipis na lipstick lang ang inilagay niyang kolorete sa mukha.
"Gusto ka lang naming ayaing mananghalian sa
labas," ani Mrs. Gatchanova sa anak.
Tumingin kay Laura si Ricardo. "Mag-aala-una na at tamang-tama at darating na si Arvie," anito bago bumaling sa ina. "Nag-aaya ding mag-lunch ang babaeng iyon."
"Ano'ng oras ba ang dating ni Arvie?" tanong ng matandang babae.
Bago pa nakasagot si Ricardo ay tumunog na ang intercom. Ang sabi ng sekretarya nito ay naroroon na ang hinihintay nila.
Naka-mini dress lang si Arvie, labas ang makinis at mapuputi nitong hita at kita ang magandang hubog ng katawan. Wala itong ipinagkaiba sa mga modelong nakikita niya sa mga magazines at ibig mainggit ni Laura sa gandang taglay ng babae.
Habang kumakain ay sumusulyap ng palihim si Laura sa gawi ni Arvie at Ricardo na obvious ang closeness. Naiinis siya at hindi mapigilan ang sariling hindi makadama ng selos.
Hindi na bumalik ng opisina si Ricardo para
samahan sila sa paglilibot. Si Arvie naman ay
nagpaalam na sa kanila. Ayon dito ay may lalakarin pa itong importante. Nakita niya ng halikan ng babae sa labi si Ricardo, kunwa naman ay hindi niya nakita pero nasasaktan ang kanyang kalooban.
Sa Greenbelt nagyayang maglibot si Mrs. Gatchanova. Kotse na ni Ricardo ang ginamit nila. Pinauwi na nito ang driver at kotseng naghatid sa kanila sa opisina.
"Gusto kong magpa-party sa birthday ko, hijo,"
anang matanda ng nagmeryenda na sila sa Coffee
Beanery. "Pero gusto ko beach party."
"Ikaw ang bahala, Ma," ani Ricardo na ngumiti sa ina. "Saan mo ba gusto?"
"Sa Zambales. Hindi ba may idine-develop kang beach resort doon?" Masayang sabi ng matanda. "At saka para makadalaw naman si Laura at pati na si Clara sa kanila. Gusto ko ring makilala ang mga balae ko."
Natigilan naman sa pagkain si Laura. Kinabahan siya sa sinabi ng matanda. Paano niya ipapaliwanag sa mga magulang kung ihaharap niyang Ricardo ay iba sa Ricardong pinakasalan niya?
"Isa pa, gusto kong makausap ang mga magulang ni Laura para maiplano na natin ang pagpapakasal ninyo sa simbahan," dagdag sabi pa ng matanda na lalong ikinabahala ni Laura.
"Ma, wala pa sa plano namin ni Laura ang
magpakasal sa simbahan," mayamaya ay sagot ni
Ricardo. "Tama na muna ang kasal sa huwes," tumingin sa kanya ang lalaki. Iniwas naman niya ang mga mata upang itago ang sakit na bumalatay sa kanyang mukha dahil sa sinabi nito.
"Alam kong desisyon ninyong mag-asawa iyan,
pero kung ako ang tatanungin mas gugustuhin ko na makasal kayo sa simbahan para mas tumibay at pagpalain ang inyong pagsasama bilang mag- asawa."
"Huwag kayong mag-alala, Mama," ngumiti si
Ricardo sa ina. "Pag-uusapan pa namin iyan ni Laura," at muling tumingin sa kanya.
ISINUOT niya ang kulay itim na pantulog na bigay sa kanya ng matanda. Hanggang sakong ang haba nito, ngunit manipis lang ang madulas na tela nito, pinatungan niya ng roba bago lumabas ng silid. Hindi siya makatulog at kahit naka-aircon ang silid nila ay naalinsanganan pa rin siya kaya ipinasya niyang lumabas.
Bakit ba niya naisipang isuot ang napaka-daring na pantulog na ito? naitanong niya sa sarili. Gusto niya lang marahil makita siya ni Ricardo sa ganoong ayos. Sa pagkakaalam niya ay maagang dumating sa bahay ang lalaki pero hindi pa niya ito nakikita. Kaya ba niya itong harapin na ganoon ang suot niya? may pag-aalinlangang tanong niya sa sarili.
Sa napakaikling panahon ay nakadama siya ng espesyal na damdamin para sa lalaki. Ngunit laging may pumipigil sa kanya na ipadama iyon. Pakiramdam niya ay hindi siya nababagay dito. Kailan matatapos ang lahat? Sana'y hindi na lang siya lumuwas ng Maynila.
Naiyakap niya sa katawan ang braso nang umihip ang mabining hangin. Sabay ng pagpatak ng kanyang luha.
"Laura?''
Nagulat si Laura sa biglang pagsulpot ni Ricardo sa kanyang likuran. Muntik na siyang mahulog sa swimming pool kung hindi lang naging maagap ang lalaki na hilahin siya sa beywang.
"Gabi na. Bakit nandito ka pa?" anito sa kanya,
Halos magkadikit na ang kanilang mga katawan.
"H-hindi kasi ako makatulog," aniya na iniwas ang mata.
"May problema ba?" Masuyong tanong nito. Umiling lang siya bilang kasagutan.
ltinaas ng daliri ni Ricardo ang mukha niya. "Hindi rin ako makatulog gaya mo..." mahinang sabi nito at halos dumikit na ang mukha nito sa kanyang mukha. "...maraming gumugulo sa aking isipan."
"M-matutulog na ako," aniya na nakadama na
naman ng takot sa paglalapit nilang iyon ni Ricardo. "Mauuna na ako sa iyo."
"Laura..." anito na hindi inalis ang pagkakahapit sa beywang niya. "...I want to kiss you," anito na idinikit ang mga labi sa kanyang mga labi.
Wala siyang madamang pagtutol. Gusto niya ang halik nito. Ang yakap, ang lahat-lahat. Maaaring pagsisisihan niya ang lahat sa bandang huli pero bahala na, ang mahalaga ay ang nadarama niya sa mga oras na iyon.
Hindi na niya alam kung paano sila nakarating sa silid. Basta naramdaman na lang niya na ibinababa na siya sa malambot na kama ni Ricardo kasunod ang pagdagan nito sa kanya. Masuyo ang mga halik at haplos ng kamay nito sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay inaapoy siya ng lagnat.
Mainit ang naging pagtugon ni Laura sa mga halik nito.
"I need you, Laura," anito na may pakiusap sa
tinig. "Don't make me stop."
Bumaba ang halik nito sa kanyang leeg hanggang sa kanyang dibdib. Noon lang niya naranasan ang ganoong sensasyon na halos magpabaliw sa kanya. Ang mga kamay ni Ricardo na dumadama sa kanyang buong katawan ay nag- iiwan ng mumunting apoy.
Marahang ibinaba ni Ricardo ang tirante ng manipis niyang pantulog at walang pagtutol siyang nadama sa sarili. Namalayan na lamang niya na magkadikit na ang parehong hubad nilang katawan.
"You're beautiful," anas ni Ricardo at tinitigan siya. Pagkuwa'y sinakop na naman ang kanyang mga labi. Nararamdaman niya ang kahandaan ng lalaki,
"R-Ricardo..." may takot sa kanyang boses.
"Don't worry. I'll be very gentle, honey," bulong nito sa kanya nang makita ang takot sa kanyang mukha.
May naramdaman siyang sakit sa pag-iisa ng kanilang katawan ngunit tulad ng pangako nito ay naging masuyo ito at sapat upang mapalitan ng kaiga-igayang sensasyon ang sakit na una niyang nadama.